• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LALAKI HULI SA BANTANG PAGPAPAKALAT NG HUBAD NA LITRATO NG MAGKAPATID

HUMINGI ng tulong sa pulisya ang magkapatid na dalagita matapos pagbantaan ng isang lalaki na ipapakalat ang edited na hubad nilang larawan.

 

 

Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Judy , nakilala nito ang kanilang kapitbahay na si Balnit Turla Singh , 26, binata at nakatira sa Blk 17-A Baseco Compound, Port Area,  noong Nobyembre kung saan maganda naman umano ang pakikitungo nito sa kanila.

 

Ayon kay Judy, naging magkaibigan sila ng suspek  ngunit kalaunan ay pinadadalhan na siya ng kung anu-ano ngunit kapalit nito ay kailangan umano niyang magpadala ng mga malalaswang bagay.

 

Hindi lamang umano si Judy ang biniktima ng suspek kundi maging ang kanyang nakababatang kapatid na si Jane ay biniktima rin.

 

Dahil dito, dumulog na ang mga biktima kasama ang kanilang ina na si Nemia Diaz sa pulisya.

 

Ayon naman kay Capt.Edwin Fuggan, hepe ng Baseco PCP na naaresto ang suspek sa nasabing lugar  kagabi nang kumagat  ito sa chat at tawag na makikipagkita ang mga biktima sa kanya.

 

Dito na nagkaroon ng pagkakataon ang mga operatiba na dakpin ang suspek .

 

Narekober naman ng pulisya ang cellphone ng suspek kung saan makikita ang lahat ng conversation nila ng mga biktima.

 

Dipensa ni Singh problemado lamang ito sa kanyang lovelife dahil lahat umano ng kanyang nililigawan ay hindi siya sinasagot.

 

Si Singh ay nahaharap sa kasong  paglabag  sa Anti Cyberscrime law  at  Anti Photo and Video Voyeurism Act of 2009. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ibabalik ang dating katawan bago mag-taping: JENNYLYN, nagti-training uli para sa triathlon kasama si DENNIS

    BINABALIK ni Jennylyn Mercado ang dati niyang katawan bago siya sumabak sa taping ulit.     Uunahin daw muna niya ang mag-training para sa triathlon.     Post pa niya sa Instagram: “Triathlon training—the ultimate test of the mind, body, and spirit. Happy to be back at it!”     Kasama ni Jen sa kanyang […]

  • Gilas 3×3 nagsimula ng training sa Calamba bubbles

    Nagsimula ang Gilas Pilipinas 3×3 team ng kanilang training sa Calamba bubble bilang paghahanda sa Olympic Qualifying Tournament.     Matapos ang kanilang RT-PCR Test ay tumuloy na ang 6-man national team sa kanilang ensayo sa Inspire Sports Academy.     Aabot sa walong araw ang mga ito sa bubble bago umalis patungong Graz, Austria […]

  • Higit 50-M Pilipino nakapagparehistro na sa national ID system – PSA

    Naabot ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kanilang national ID registration target na 50 million para sa taong 2021.     Ayon sa PSA, mahigit 50 million Pilipino ang tapos na sa kanilang Philippine Identification System (PhilSys) Step 2 Registration hanggang noong Disyembre 11.     Mababatid na sa Step 2 Registration ay kailangan ng […]