LALAKI, INARESTO SA PANGONGOTONG SA LABAS NG NBI COMPOUND
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
INARESTO ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang lalaki sa pangongotong sa isang aplikante na kumukuha ng NBI clearance sa loob ng NBI Headquarters sa Manila.
Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC)-Director Eric B. Distor ang suspek na si Mark Endaya Cabal.
Ang pagkakaaresto kay Cabal ay bunsod sa reklamo ng isang complainant kung saan nakilala umano niya ang suspek sa labas ng NBI compound na nakasuot ng polo shirt ng NBI kung saan inisip nito na empleyado ito ng ahensiya at nagtanong sa kanya kung paano kumuha ng NBI clearance.
Nag-alok ng tulong ang suspek at nakalipas ng ilang sandali ay binalikan niya ang complainant at sinabing meron itong naka-pending na warrant of arrest sa kasong droga at aarestuhin ito kung hindi makakapagbigay ng halagang P100K.
Kinabukasan, bumalik ang complainant at ibinibigay ang halagang P40K pero hindi nakuntento ang suspek at tinakot ito na maaari siyang ikulong o patayin dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.
Nangako ang complainant na ibibigay nito ang kakulungan makaraang ang ilang linggo.
Humingi ng tulong ang biktima sa kaibigan kung saan pinayuhan ito na magsampa ng reklamo laban sa suspek dahilan upang magsagawa ng entrapment operation ang NBI laban kay Cabal
Nitong Febryuary 3, isinagawa ang entrapment operation na nagresulra sa pagkakaaresto sa suspek at nakuhanan pa ito ng shabu. Nabatid pa sa records na marami na ring reklamo ng Robbery Extortion ang suspek. (GENE ADSUARA)
-
Kahit naka-focus sa kanyang launching series: HERLENE, desidido na talaga sa pagsali sa ‘Miss Grand Philippines 2023’
SASALI muli si Herlene Budol sa isang beauty pageant! Ayon kay Herlene ay ito na ang tamang panahon na sumali siyang muli sa beauty pageant sa pamamagitan ng Miss Grand Philippines 2023 matapos mag-withdraw sa Miss Planet International 2022 nang makaranas ng samu’t saring aberya. “Pag pinatagal ko pa, baka makalimutan […]
-
Ads December 9, 2021
-
COVID-19 sa Metro Manila, bumaba – OCTA
PATULOY ang pagbaba ng COVID-19 weekly positivity rate sa Metro Manila batay sa latest data ng OCTA Research Group. Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 makaraang masuri sa virus. Batay sa inilabas na datos ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nitong May 28 ay bumaba […]