• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaki na wanted sa pagpatay sa Valenzuela, nabitag sa Caloocan

ISANG lalaki na wanted sa pagpatay ang nasakote ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. sa Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, Caloocan City ang presensya ng akusadong si alyas “Roger” na kabilang sa mga most wanted person ng Valenzuela City.

 

 

Bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-7:00 sa Barangay 175, Camarin, Caloocan City.

 

 

Ani Cpt. Sanchez, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arthur B Melicor ng Regional Trial Court Branch 284, Valenzuela City noong June 23, 2023, para sa kasong Murder.

 

 

Pinuri NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pinaigting na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang ipiniit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Other News
  • 9 KATAO, NI-RESCUE NG PCG SA BAYONG AGATON

    SIYAM na katao ang maingat na nailigtas ng search and rescue team ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos matabunan ng landslide sa kasagsagan ng bagyong Agaton sa Barangay Cantagnos, Baybay City Leyte .     Katuwang ng PCG ang iba pang rescue groups sa nasabing operasyon sa mga apektadong residente kabilang ang isang buntis.   […]

  • Kelot kulong sa shabu at pandadakma ng puwit ng dalagita

    KALABOSO ang 27-anyos na lalaki nang makuhanan ng shabu at panggigilang dakmain ang puwitan ng 16-anyos na dalagitang estudyante sa Valenzuela City.     Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 11313 o ang Anti-Bastos Law at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang suspek na si Jethro Dionson, ng16 Lemon St. Brgy. […]

  • Ika-2 autopsy isinagawa kay Dacera habang Sinas nanindigang may ‘rape’

    Habang tinutukoy pa ang tunay na dahilan sa kontrobersyal na pagkamatay na 23-anyos na flight attendant sa Makati City nitong Bagong Taon, naisagawa na ang ikalawang pagsusuri ng mga dalubhasa sa mga labi ni Christine Dacera.     Ito ang ibinahagi ni Dr. Marichi Ramos, kaibigan ng pamilya Dacera, sa mga reporters nitong Huwebes bago […]