• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LALAKI, NAGPANGGAP NA SUNDALO, BUKING

NABUKING na hindi pala sundalo ang isang lalaki na naunang inaresto dahil sa paglabag sa batas trapiko sa Ermita, Maynila.

 

 

Kinilala ang suspek na si Romeo Puyat Jr na taga Pampanga na kuntodo unipormado pa ng sundalo.

 

Ayon kay P/Lt Col Evangeline Cayaban, hepe ng Ermita Police Station, nasita ang suspek dahil sa kanyang pag-counterflow.

 

Sinabi pa ni Cayaban na pumalag din noong una si Puyat at sinabing siya ay sundalo at nagmamadali kaya nagawa nitong mag-counterflow.

 

Alibi umano ng suspek, lumuwas ito ng Maynila dahil mag-aaply bilang OFW kung saan nakuha sa kanya ang tatlong pasaporte na ang isa ay nakapag-alaman sa kanya habang ang dalawa pang pasaporte ay pag-aari ng kanyang kasintahan at kaibigan.

 

Nang hingan ng iba pang dokumento o identification card bilang sundalo, tanging ang ID niya na security guard lamang ang kanyang naipakita.

 

Maging ang gamit nitong kulay itim na SUV ay wala ring maipakitang rehistro.

 

Dahi dito, mahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Warriors naghahanda sa kanilang victory parade

    NAGHAHANDA na ang mga fans ng Golden State Warriors sa gagawin nilang victory parade matapos makuha ang kampeonato sa NBA ng talunin nila ang Boston Celtics.     Magiging maiksi lamang ang parada na aabot sa mahigit isang kilometro pero magiging magarbo ang isasagawang programa matapos na makuha ang ikaapat na kampeonato sa kasaysayan ng […]

  • Pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac, ipinag-utos ni PDu30

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac.   Ito’y dahil sa masyado ng prone ang Metro Manila sa mga natural disasters gaya ng lindol, baha at bagyo.   Nakasaad sa  Executive Order 119  na ipinalabas ng Malakanyang na inaatasan nito ang mga ahensiya […]

  • DTI, ipinag-utos ang price freeze sa mga basic good sa oil spill-hit areas

    IPINAG-UTOS  ng Department of Trade and Industry  (DTI) ang  price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga munisipalidad na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.     Ipinalabas naman ng DTI MIMAROPA ang  price freeze bulletin  matapos ang  oil spill mula  MT Princess Empress Oil Tanker sa Balingawan Point na kumalat sa kalapit-lugar.   […]