• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaki pinagsasaksak ang 2 umaawat na kaibigan, 1 dedo

 

 

PINAGSASAKSAK ng lalaking wanted sa kanilang lalawigan sa Northern Samar ang dalawa niyang kaibigan na umawat lang sa kanyang pagwawala na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa Valenzuela City.

 

 

 

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si alyas “Balbas” 23, ng Donesa St., Balubaran, Barangay Mailnta sanhi ng tinamong mga saksak sa likod at tagiliran habang nakaratay naman ang naturang pagamutan ang isa pang biktiman si alyas “Irene”, 28 ng Melchor St., Barangay Malinta na may mga tama ng saksak sa magkabilang braso.

 

 

 

Nadakip naman ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si Pepito Tenedoro alyas “Remmy”, residente rin ng Melchor St. na napagalamang kabilang sa most wanted person at may warrant of arrest sa kasong frustrated murder sa Regional Trial Court (RTC) Branch 21 ng Laong, Northern Samar na naganap noong Hunyo 12, 2022.

 

 

 

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga tauhan ni P/Cpt. Armando Delima, hepe ng Station Investigation Unit (SIU) na dumalo muna sa isang birthday party ang magkakaibigan na magkasama rin sa trabaho noong Linggo kung saan may nakatalo na isa ring bisita ang suspek.

 

 

 

Nang magwala ang suspek, nagpasiya ang mga biktima na pilitin ang suspek na umalis na lamang sila at itinuloy ang pag-iinuman sa kanilang tinutuluyang sa Melchor St. Brgy. Malinta.

 

 

 

Habang nag-iinuman, muling nagwala ang suspek at nais balikan ang nakaalitan subalit, habang inaawat siya ng dalawang kaibigan, dito niya ibinunton ang galit at pinagsasaksak ang mga biktima bago mabilis na tumakas.

 

 

 

Dakong alas-10 ng gabi nang muling bumalik ang suspek sa kanyang tinitirhan at dito na siya nadakip nina Capt. De Lima. (Richard Mesa)

Other News
  • Maraming lugar sa bansa nasa signal No. 1 dahil bagong bagyo – Pagasa

    Nakakaapekto ngayon sa malaking bahagi ng bansa ang nabuong tropical depression Lannie.     Huli itong namataan sa layong 100 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.     Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.     Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na […]

  • PBBM ‘di na ikinagulat pag-alma ng China sa Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Law

    MAHALAGA rin umano ang dalawang batas dahil ito ang tumutukoy sa boundaries o teritoryong nasasakupan ng Pilipinas.   Kung maalala, tinawag na iligal at invalid ng Chinese Foreign Ministry ang umano’y tangkang pag-whitewash ng Pilipinas sa illegal claims at mga aksyon sa West Philippine Sea at ipinatawag na rin nito ang Ambassador ng Pilipinas sa […]

  • PHP724-Million cash subsidy, naipamahagi na ng LTFRB at DOTr sa mga PUV operators

    Naipamahagi na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) ang mahigit PHP724 million na cash subsidy sa mga operator ng pampublikong bus at jeepneys o public utility vehicles (PUVs) na apektado ang kabuhayan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.   Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, ang […]