Lalaki umakyat sa poste ng ilaw sa Navotas
- Published on April 10, 2024
- by @peoplesbalita
NABULABOG ang tulog ng mga residente sa isang barangay sa Navotas City nang tatlong oras na mawalan ng supply ng kuryente matapos umakyat sa tuktok ng poste ng kuryente ang isang lalaki, Martes ng madaling araw.
Napuwersang putulin pansamantala ng Meralco ang supply ng kuryente sa kahabaan ng M. Naval St. Brgy. Sipac Almacen nang umakyat ang suspek na si alyas “Arnold” 39, residente ng Naic, Cavite dakong alas-2:30 ng madaling araw sa posteng kinalalagyan ng mga high tension wire sa tapat mismo ng Navotas City Hall sa M. Naval Street.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, unang inireport sa kanila ang pagwawala ng suspek subalit nang respondehan ng kanyang mga tauhan, umakyat ang lalaki sa tuktok ng poste na dahilan upang mapuwersa naman ang Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) na hilingin sa Meralco na putulin muna ang supply ng kuryente upang hindi makompromiso ang pagliligtas nila sa suspek.
Ilang oras ding hinimok ng rescue team ang suspek na bumaba na ng poste subalit patuloy lang na tumatanggi at hiniling na makausap ang kanyang asawa.
Dakong alas-5:06 ng umaga nang matagumpay na naibaba ng mga tauhan ng Special Rescue Force (SRF) ng Navotas, Caloocan at Valenzuela ang lalaki sa tulong ng dalawang boom truck na kanilang sinakyan kaya’t ibinalik muli ang supply ng kuryente alas-5:19 ng umaga.
Inamin ng lalaki na kamakailan ay gumamit siya ng ilegal na droga at may kinaharap na kasong murder at frustrated murder sa Bataan at Leyte provinces subalit, napawalang-sala na umano ito.
Ito aniya ang dahilan kaya’t hindi siya makapaghanapbuhay para buhayin ang kanyang pamilya subalit natuklasan ng pulisya na may kaso pa siyang robbery sa Malabon City.
Inisyal na kasong alarm and scandal ang isasampa ng pulisya laban sa suspek habang kinakalkal pa ang rekord ng iba pa niyang posibleng kinakaharap na kaso. (Richard Mesa)
-
Nag-reminisce sa 15 years na ‘di nagkita: GABBY, palaging concern sa happiness ni KC
ANG Kapuso love team and real couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang bibida sa “The Cheating Game,” ang first movie offering this 2023, ng GMA Public Affairs, na pioneer in documentary, talk and news magazine programming. First movie team-up din naman ito nina Julie Anne at Rayver, na […]
-
Paniniwala ni Sec. Concepcion, puwede nang hindi magpatupad ng Alert Level system pagdating ng Marso o Abril
NANINIWALA si Presidential Adviser on Entrepenurship Joey Concepcion na makakaya na ng gobyerno na hindi na magpatupad pa ng alert level system pagsapit ng Marso o Abril. Sinabi ni Concepcion na nasanay na kasi aniya ang mga tao sa mga ipinatutupad na health safety protocol sa nakalipas na 22 buwan. Sa […]
-
Doncic pumuntos ng 53 points laban sa Pistons
Umiskor si Luka Doncic ng 53 puntos sa kanyang pagbabalik sa lineup habang si Spencer Dinwiddie ay umiskor ng 10 sa kanyang 12 sa fourth quarter nang mag-rally ang Dallas Mavericks para talunin ang Detroit Pistons, 111-105, noong Lunes ng gabi (Martes, Manila time). Apat sa limang career 50-point games ni Doncic ang dumating […]