Lalaking nag-trip manaksak sa Valenzuela, kalaboso
- Published on October 12, 2024
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos umanong pagtripang pagsasaksakin ang isang mister na dumaan lamang sa kanyang harapan sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na isang 32-anyos na residente ng Brgy. Bagbaguin habang ang biktima ay 40-anyos na residente naman ng Brgy. Canumay East.
Lumabas sa imbestigasyon ni PSSg Larry Legazpi, papasok na sa kanyang trabaho ang biktima sa Narciso St., East Service Road, Brgy., Canumay East nang bigla na lamang umanong pagsasaksakin ng suspek sa iba’t ibang parte ng katawan.
Sa kabila ng tinamong mga saksak, nagawang makalayo ng biktima hanggang sa makahingi ng tulong sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Sub-Station (SS1) na sina PSSg Rosario Cruz Jr at Pat Ericson Bulahao.
Kaagad isinugod ang biktina sa Valenzuela Medical Center kung saan siya patuloy na ginagamot habang naaresto naman ang suspek ng mga tauhan ng SS1 at narekober sa kanya ang patalim na ginamit sa pananaksak.
Ayon kay P/Capt. Armando Delima, hepe ng Station Investigation Unit (SIU), tinitignan pa nila ang anggulong trip lang ang ginawang pananaksak ng suspek sa biktima at ang posibleng sakit nito sa pag-iisip.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa custodial facility unit ng Valenzuela City Police habang inihahanda na ang kaukulang kaso na isasampa laban kanya. (Richard Mesa)
-
Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center, nagkamit ng mga parangal sa QUILTS Awards 2022
LUNGSOD NG MALOLOS – Isang panibagong pagkilala ang muling nadagdag sa listahan ng mga karangalang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan nang magkamit ang pasilidad na Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center ng dalawang malaking karangalan bilang kampeon sa parehong kategorya ng Linkage to Care at Differentiated Service Delivery and Case Management sa katatapos lang […]
-
Ads March 27, 2024
-
Dependent na legal spouse na existing members ng SSS, maaari ng magsumite ng death benefit claims online – SSS
INANUNSYO ng Social Security System (SSS) na maaari ng makapagsumite ng death benefit claims ang mga dependent na legal spouse na existing member ng SSS sa pamamagitan ng online. Ayon kay SSS president at CEO Michael Regino, ang pagsama sa death benefit application sa kanilang online services ay bahagi ng digital transformation efforts […]