• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaking nangholdap at nanakit sa estudyante sa Valenzuela, timbog

BALIK-SELDA ang isang lalaki matapos holdapin at saktan pa ang 18-anyos na babaeng estudyante nang pumalag ang biktima sa Valenzuela City.

 

 

 

Kinilala ni P/Col. Allan Umipig, Officer-in-Charge (OIC) ng Valenzuela City Police ang suspek na si alyas Ramos, 29, ng Road 5, Hagdang Bato, Brgy., Marulas.

 

 

 

Sa imbestigasyon ni PSMS Regor Germedia, naglalakad ang biktimang si alyas Jhan, sa Ilang-Ilang St., Brgy., Marulas nang harangin ng suspek at pilit umanong inagaw ang kanyang cellphone at bag subalit, pumalag ang dalaga.

 

 

 

Naglabas ang suspek ng baril na replika at hinampas sa likod ang biktima saka nagpambuno ang mga ito bago inuntog pa ng holdaper sa semento ang dalaga hanggang maagaw ang kanyang cellphone.

 

 

 

Tumakas ang suspek habang nakahingi naman ng tulong ang biktima sa nagpapatrulyang mga tauhan ng Marulas Sub-Station 3 na nagresulta sa pagkakaaresto kay ‘Ramos’ at narekober sa kanya ang cellphone ng dalaga at ginamit na replika na baril.

 

 

 

Ani PSMS Germedia, si ‘Ramos’ ay nakulong ng walong taon sa Maximun Security Compound, New Bilibid Prison dahil sa mga kasong paglabag sa R.A. 9165, frustrated homicide, at robbery kung saan kalalabas lamang nito noong Marso 19, 2024.

 

 

 

Nasangkot din aniya ito sa sunod-sunod na kasong theft at robbery noong 2016 sa Barangay Marulas.

 

 

 

Ayon kay P/Cpt. Armando Delima, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch, si Ramos ay nahaharap sa kasong Robbery with Violence against or Intimidation of Persons at paglabag sa RA 10591. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinangunahan ni PBBM: KADIWA ng Pangulo, inilunsad na sa Cebu City

    OPISYAL nang inilunsad sa pangunguna  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang “KADIWA ng Pangulo” sa Cebu City na layuning maipagpatuloy ang pagbibigay ng murang bilihin sa mga mamimili.     Sa naging talumpati ng Pangulo,  sinabi  nitong naging popular ang Kadiwa ng Pasko at hinahanap aniya ito ng mga tao kaya’t minarapat nilang ipagpatuloy ang […]

  • Patuloy ang pagtulong at walang balak magbalik-showbiz: PRINCESS, itinatag ang foundation bilang parangal sa nasimulan ng mga magulang

    NAKATUTUWANG malaman na abalang-abala pala ngayon ang dating aktres na si Princess Revilla sa kanyang foundation.     Ang latest charity event niya ay ginanap kamakailan sa Brgy. Habay II, Bacoor City na kung saan 400 bata na sinamahan ng kanilang mga magulang na edad mula 3 taong gulang hanggang 12 taong gulang, ang tumanggap […]

  • Le Col Challenge