• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaking pugot ang ulo, natagpuan sa Caloocan

KALUNOS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinugutan ng ulo saka isinilid sa sako at itinapon ang katawan sa bakanteng lote sa Caloocan City.

 

 

Ayon sa ulat, dakong alas-7:50 ng umaga nang makita ng isang concerned citizen ang isang puting sako sa kahabaan ng Gumamela St, corner Cadena De Amor St., Brgy. 175 na may bahid umano ng dugo.

 

 

Ipinagbigay alam ang insidente sa mga barangay officials na sila namang nagreport sa pulisya at nang buksan ang sako, tumambad sa kanila ang katawan ng isang lalaki na walang ulo at putol din ang kanang hintuturo nito.

 

 

Inilarawan ang biktima na nasa 30-anyos ang edad, may taas na 5’5 at magsisilbing palandaan para makilala ito ay ang tattoo niyang dragon sa likurang bahagi ng katawan.

 

 

Hinala ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa naturang lugar para iligaw ang mga pulis sa imbestigasyon.

 

 

Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima at sa motibo sa pagpataya sa kanya. (Richard Mesa)

Other News
  • Kinatay na motorsiklo natunton dahil sa social media

    SA tulong ng kanyang Facebook at social media account, naaresto ang isang suspek at natunton ang kanyang tinangay na motorsiklo sa Bacoor City, Cavite Linggo ng hapon.     Kasong paglabag sa PD 1612 (Anti-Fencing Law) ang kinakaharap ng suspek na si alias ‘Jack’ nasa wastong edad dahil sa reklamo ni Rodrigo Navarette Jr y […]

  • Higit 900-K pang Pfizer vaccines dumating sa Phl

    Mahigit 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility ang dumating sa Pilipinas kahapon.     Lumapag ang Emirates flight lulan ang 918,450 Pfizer jabs sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-4:00 ng hapon.     Marso 1 ng kasalukuyang taon nang sinimulan ng Pilipinas ang vaccination program nito kontra COVID-19. […]

  • Saso, Pagdanganan tuloy ang hataw sa LPGA Tour

    MAGPAPATULOY sa pangalawang pagkakataon sa kasalukuyang buwan at pangatlo mula noong Disyembre bilang pambato ng bansa sina Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 sixth leg – $2M 10th Lotte Championship sa Abril 15-19 sa Kapolei Golf Club sa Hawaii.     Kakasalo lang sa triple-tie sa […]