Lalaking wanted sa rape sa Ormoc, natimbog sa Caloocan
- Published on October 12, 2021
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang 11-taon pagtatago ng isang lalaking akusado sa panggagahasa sa isang 16-anyos na kanyang kapitbahay sa Ormoc City matapos siyang masakote ng mga awtoridad sa kanyang hideout sa Caloocan City.
Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. ang akusadong si Melvin Jumao-as, 30, tubong Leyte at residente ng Purok 6, Calapakuan, Zambales ay sangkot din sa serye motornapping incidents sa Caloocan City at kalapit na probinsya at napag-alaman na sub-leader siya ng notoryus “Limos Motornapping Group”.
Siya ay nadakip sa Langit Road, Brgy. 176, Bagong Silang dakong alas-8 ng umaga ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni P/Lt Melito Pabon sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Jay Dimaandal, kasama ang NPD- Regional Intelligence Unit of National Capital Region (RIU-NCR), NPD Highway Patrol Group (HPG) at Ormoc City Police Station.
Ani BGen. Hidalgo, si Jumao-as ay tinagurian bilang Top 6 Most Wanted Person sa Ormoc City na may standing warrant of arrest na inisyu noong July 12, 2011 ni Hon. Judge Clinton C. Nuevo ng Ormoc City Regional Trial Court (RTC) Branch 12 para sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination na walang inirekomendang piyansa.
Batay sa record, sapilitang hinalay ni Jumao-as ang 16-anyos niyang kapitbahay sa Sitio Tongonan, Brgy. Montereco, Ormoc City noong October 09, 2010 at matapos nito ay nagtago ang suspek makaraang magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima kontra sa kanya.
Nang makatanggap ng intelligence information si DSOU head Lt. Col. Dimaandal mula sa NPD-RIU-NCR na si Jumao-as ay naispatan sa Bagong Silang, kasama ang grupo ng hinihinalang motornapping syndicate ay agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni Lt. Pabon, sa coordination sa Ormoc City Police Station saka ikinasa ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)
-
Chris Pratt Brings Garfield to Life in the New Trailer for ‘The Garfield Movie’
HOLD onto your lasagnas and brace for some feline fun because The Garfield Movie trailer is out, and it’s purr-fectly entertaining! Garfield’s Leap from Lazy to Lively Goodbye, quiet life; hello, adventure! Our beloved Garfield, the lasagna-loving, Monday-hating cat, is about to trade his cozy couch for a wild journey. Voiced by the versatile Chris Pratt, […]
-
Mahigit P21-M na halaga ng pinsala sa agrikultura sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon
AABOT sa mahigit Php21-million na halaga ng tinamong pinsala ng sektor ng agrikultura sa naging pananalasa ng Bagyong Aghon sa Pilipinas. Batay sa inilabas na monitoring update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, papalo sa kabuuang Php21,651,548 ang halaga ng iniwang Agricultural damage ng naturang bagyo sa bansa. […]
-
KLAY THOMPSON 10 triples 41 points laban sa Rockets
HOUSTON — Umiskor si Klay Thompson ng season-high na 41 puntos at nagdagdag si Steph Curry ng 33 nang talunin ng Golden State Warriors ang Houston Rockets, 127-120, noong Linggo ng gabi (Lunes, oras sa Maynila) para sa kanilang unang panalo sa kalsada. Nakuha ng Warriors ang 0-8 simula palayo sa bahay upang umunlad […]