• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalong nabuhay ang BarDa at FiLay fans: BARBIE at DAVID, ire-remake ang movie nina SHARON at ROBIN

LALONG nabuhay na ang mga BarDa at FiLay fans ng “Maria Clara at Ibarra.” 

 

 

Dahil ang love team nina Barbie Forteza at David Licauco, na after mag-shoot ng first movie nila together, na partly shot in South Korea, ang “That Kind of Love,” ay nagkaroon na ng look test para sa kanilang susunod na teleserye sa GMA Network, ang remake ng pelikula ng Viva Films na “Maging Sino Ka Man.”

 

 

Ang movie ay unang pinagtambalan nina Megastar Sharon Cuneta and action star, now Senator Robin Padilla.

 

 

Sinu-sino kaya ang magpu-portray ng mga roles na dating ginampanan nina Vina Morales, Edu Manzano, at Dennis Padilla?

 

 

Sa look-test ay dumating din si Juancho Trivino, kaya natuwa rin ang mga fans nila dahil kasama rin pala nina Barbi at David si Padre Salvi.  Kaya ang mga fans ng magka-love team ay kani-kaniya nang gawa ng fan-made poster, using the caption, “nagkakagusto nga ako eh!. Mahal na nga kita palagay ko! Maging Sino Ka Man.”

 

 

Malamang daw mag-training muna si David para sa action scenes ng serye,  bago sila magsimulang mag-taping.

 

 

***

 

 

UMANI agad ng maraming comments ang post ni Director Mark Reyes na, “Shall we make the “Enca Multi-Verse” happen? Are you game @anakarylle @gabbi @kylienicolepadilla @missizacalzado @glaizaredux @m_sunshinedizon @sanyalopez @dianazubirismith? #emrehasspoken #encantadiamultiverse @gmanetwork @gmanews

 

 

Ibig sabihin, pagsasama-samahin ni Direk Mark ang bumuo ng unang “Encantadia” at ang sequel ng “Encantadia” na kasama noon sina Kapuso Primetime Royal Couple Dingdong Dantes and Marian Rivera.  Kasama rin noon sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi.

 

 

Pakiusap naman ni @rafael.escobido, “Please Direk wag na po kayong kumuha ng bago sila na lang po ulit kase they are amazing!!! Sina Kylie po, sobra ang galing po, wala silang kapantay nina Iza, Diana, Sanya, Gab and Karyll the best, as well as Sunshine and Glaiza.  Sana po magkatotoo, sila na lang po ulit new and old version!”

 

 

Ready na raw Direk Mark ang mga Encantadiks!!!

 

 

                                                            ***

 

 

ANG hit Kapuso romance anthology series na “I Can See You” ay available na ngayon sa Amazon Freevee, na ikinatuwa ng mga viewers dahil sa magandang lineup ng unique stories na nagpi-feature sa mga paborito nilang Kapuso stars.

 

 

Feature dito ang “Love on the Balcony”  na tampok sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith.  “The Promise” naman ay tampok sina Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Benjamin Alves and Andrea Torres.  “High-Rise Lovers” features the story of Lovi Poe and Tom Rodriguez, at ang “Truly. Madly. Deadly.” na nagtatampok kina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos at Dennis Trillo.

 

 

Tampok naman sa heartbreaking tale na “On My Way To You!” sina Shaira Diaz at Gil Cuerva.  Sa “#Future” starring naman si Miguel Tanfelix; sa thrilling tale, “The Lookout” features Barbie Forteza.

 

 

Love is in the air with these brand new offering this 2023, on Amazon Freevee.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Gun ban violators, pumalo na sa higit 2.3-K – Comelec

    PUMALO  na sa mahigit 2,300 ang bilang ng mga lumabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban.     Ayon sa Philippine National Police (PNP) kabuuang 2,313 na katao na ang lumabag sa nationwide election gun ban ng komisyon.     Nasa 2,249 ng mga violators ay sibilyan, 40 ang security guards, 14 ang police […]

  • Marc Paolo Javillonar pinapanagot sa pagpisil ng puwet ni Will Allen Gozum

    Nag-viral ang video na pinisil ni Marc Paolo Javillonar ng Colegio De San Juan De Letran Knights ang puwit ni presumptive Most Valuable Player Will Allen Gozum ng College of Saint Benilde Blazers sa kanilang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball tournament best-of-3 Finals Game 1 Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum sa […]

  • Kung ‘yun na lang ang nag-iIsang trabaho… ANGELA at IRISH, papayag na mamasukan bilang ‘lady guard’

    PAPAYAG daw ang mga Vivamax female stars na sina Angela Morena at Irish Tan na mamasukan bilang mga lady guard sa tunay na buhay, sakaling iyon na ang nag-iisang trabahong maaari nilang pagkakitaan.   Sa ‘Lady Guard’ kasi na available for streaming na sa Vivamax ay gumaganap na mga babaeng guwardiya sina Angela at Irish. […]