LandBank, magbibigay sa mga batang ARBs ng P100K annual scholarship grant
- Published on March 20, 2023
- by @peoplesbalita
MAGBIBIGAY ang state-run Land Bank of the Philippines (LandBank) ng P100,000 halaga ng taunang scholarship grants sa 60 mga bata na agrarian reform beneficiaries (ARBs), magsasaka at mangingisda taun-taon hanggang 2028.
Sa ilalim ng Iskolar ng LandBank Program, pipili ang lender ng 60 scholars kada taon mula 2023 hanggang 2028, sa kondisyon na ang P100,000 kada taon ay para sa allowance at gastos para sa mga libro, damit at iba pang course requirements.
Ang mga eligible para sa grant ay mga anak at apo ng ARBs o maliliit na magsasaka at mangingisda na graduating na high school students na may minimum average grade na 90% o nabibilang sa top 10% ng kanilang klase.
Kailangan din na magsumite ng mga ito ng letter of endorsement mula sa kanilang senior high school principal, ipasa ang admission requirements ng katuwang na State Colleges and Universities (SUCs), mayroong total family income na mas mababa sa P300,000, at walang anumang ibang financial assistance, grant, o scholarship.
Ang mapipiling scholars ay maaaring mag-enroll sa mga kurso gaya ng horticulture, animal science, food technology, data analytics, information technology, accounting, agribusiness management, at agricultural, IT, industrial o management, civil, at mechanical engineering.
Ang mga Iskolar ng LandBank graduates ay aalukin naman ng on-the-job (OJT) training sa LandBank branches at lending centers, kabilang na ng partner agencies at institusyon.
“We want the Iskolar ng LandBank Program to create meaningful impact in the lives of deserving students who really need assistance the most,” ayon kay LandBank President and CEO Cecilia Borromeo.
“We are now reaching out to our partner cooperatives, associations, and organizations in the agri sector to nominate dependents from among their members,” dagdag na pahayag nito.
Ang LandBank ay may mandato na i-promote ang countryside development habang nananatiling financially viable.
Ipinatutupad nito ang comprehensive agrarian reform program (CARP), nagbibigay ng tulong sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda at nagsisilbing official depository ng government funds. (Daris Jose)
Other News
-
NPC, NAGHAIN NG PETISYON KONTRA COMELEC
NAGHAIN ng petition for mandamus sa Korte Suprema ang National Press Club (NPC) kasama ang dalawang civil society organizations laban sa Commission on Elections (Comelec). Kasama ng NPC ang Guardians Brotherhood at Automated Election System Watch o AES Watch , hiling nila sa Korte Suprema na atasan ang Comelec na maging mas transparent […]
-
Ads March 6, 2021
-
Malaki rin ang pasasalamat kay Mother Lily… ICE, proud na proud sa parangal na natanggap ni LIZA sa Luna Awards
PROUD na proud na ibinahagi ni Acoustic Icon Ice Seguerra sa kanyang Facebook account ang parangal na natanggap ng loving wifey at dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño. Kasama ang larawan na kuha awards night na kung saan pinarangalan si Liza ng FPJ […]