• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Landslide victory kina BBM, Sara asahan

TULOY ANG pagbabalik sa Malacañang ni da­ting senador Ferdinand “Bongbong” Marcos dahil sa inaasahang “landslide victory” kasama ng kanyang running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte.

 

 

Sa “partial at unofficial tally” mula sa transpa­rency server ng Comelec dakong alas-7:32 kagabi na may 98.09% ng Election Returns, nakakalap na ng 31,036,142 boto si Marcos na napakalayo kay Vice President Leni Robredo na mayroon lamang 14,790,393 boto.

 

 

Nasa malayong ikatlong puwesto si Sen. Manny Pacquiao (3,626,198), ikaapat si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso (1,887,770), at ikalima si Sen. Ping Lacson (880,765).

 

 

Nakapagtala naman si Duterte ng 31,482,073 boto na higit na malayo kay Sen. Kiko Pangilinan na mayroon lamang 9,212,988 boto at Senate President Vicente Sotto III na nakakalap naman ng 8,172,793, Doc Willie Ong 1,843,554 at Lito Atienza 266,921.

 

 

Nauna nang pinasa­lamatan ni Marcos ang mga botanteng sumuporta sa kanya sa isang talumpati sa kaniyang ‘campaign headquarters’ sa Mandaluyong City.

 

 

“Ngunit kahit hindi pa tapos nga ang pagbilang, hindi makapag-antay ang aking pasasa­lamat sa inyong lahat—ang aking pasasalamat sa lahat ng tumulong, sa lahat ng sumapi sa aming ipinaglaban, sa inyong sakripisyo, sa inyong trabaho at sa binigay ninyo sa amin na oras, na kakayahan,” saad ni Marcos.

 

 

Para naman kay Duterte, sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Cristina Frasco na punum-puno rin ng pasasalamat ang alkalde ng Davao sa lahat ng botante, volunteers, pa­rallel groups, mga lokal na lider na tumaya sa kaniya at kay Marcos.

 

 

Sinabi rin niya na handa si Duterte na iabot ang kaniyang kamay sa mga nakatunggali upang matupad ang pangako na tunay na pagkakaisa sa bansa.

 

 

“Mayor Inday Sara has always been a unifier and that has been her message all along together with our next president Bongbong Marcos and so I have no doubt that we move of the next administration will be one that is anchored on unity no matter the political divisions this past elections,” ayon kay Frasco. (Daris Jose)

Other News
  • RHJ, Brownlee muling magtutuos sa Comm’s Cup

    HINDI magwawakas sa katatapos lamang na Season 49 PBA Governors’ Cup Finals ang duwelo nina Best Imports Rondae Hollis-Jefferson ng TNT Tropang Giga at Justin Brownlee ng Barangay Ginebra.     Muli kasi silang magtutuos sa darating na PBA Commissioner’s Cup na magbubukas sa Nobyembre 27 tampok ang mga imports na may unlimited height.   […]

  • Konstruksyon ng MMSP umuusad ayon sa timeline

    SA ISANG ginawang inspeksyon ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang mga miyembro ng media ng Metro Manila Subway Project (MMSP) sa lungsod ng Valenzuela ay nakitang ang konstruksyon ay umuusad ayon sa timeline na binigay ng DOTr.     Kasama sa inspeksyon na pinamumunuan ni DOTr Secretary Jaime Bautista, kanyang sinabi na inaasahang matatapos […]

  • “Melor Robbery Gang”, nalansag ng Valenzuela police

    NALANSAG ng mga awtoridad ang isang ‘Criminal Gang’ na responsable umano sa mga pagnanakaw sa iba-ibang lugar sa Valenzuela City matapos ang pagkakaaresto sa pinuno at mga miyembro nito.   Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, alas-3:15 ng madaling araw nang maaresto […]