Latest update sa isyu ng Covid -19, pinag-usapan ng ilang miyembro ng gabinete ni PDu30
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
TINALAKAY ngayon ng ilang miyembro ng gabinete ang latest update ukol sa usapin ng COVID-19.
Kabilang sa mga napag-usapan ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa isyu ng hazard pay ng healthcare workers.
Inaasahan naman na maide-deliver ang dalawang milyong bakuna ngayong Abril 2021 kung saan ang 1.5-M ay manggagaling mula sa Sinovac.
Habang tinatrabaho naman ang 500,0000 mula sa Gamaleya ngayong buwan ng Abril o Mayo.
“922,898,600 vaccines have already been administered,” ayon kay Sec.Roque.
Ang aplikasyon ng Debit Credit Payment Method (DCPM) ng public at private hospitals sa mga identified areas of concern, ay nasa P9.7-, pero “subject to” Board assessment/ estimation para sa NCR Plus affected areas.
Samantala, ang Inter-Agency Task Force ay nakatakdang magpulong sa darating na Sabado, Abril 10, 2021, para talakayin ang quarantine classification ng National Capital Region Plus. (Daris Jose)
-
MGA BAGONG BARANGAY OPISYAL SA NAVOTAS, NANUMPA
NANUMPA ang mga bagong halal na pinuno ng 18 barangays sa Navotas City sa harap ni Mayor John Rey Tiangco, noong Lunes, November 20, 2023. Sa kanyang talumpati, binati ni Mayor Tiangco ang mga opisyal habang hinahamon silang mag-iwan ng legacy sa loob ng kanilang dalawang taong termino. “Serving others is […]
-
Launching ni BEA bilang Calendar Girl, mabilis na nag-trending sa socmed; tinanggihan noong unang i-offer
MABILIS na nag-trending sa social media ang launching ng Kapuso actress na si Bea Alonzo as the new Tanduay Calendar Girl for 2022. Sa interview kay Bea, hindi pala first time na nag-offer sa kanya ang produkto na maging calendar girl nila, pero hindi niya tinanggap dahil parang hindi pa iyon ang […]
-
DTI nagbigay ng cash aides sa Valenzuela MSEs
SA pamamagitan ng Department of Trade and Industry’s (DTI) Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO), ay mabibigyan ang Micro and Small Enterprises (MSEs) ng P10,000 bilang paunang puhunan para matulungan lumago ang kanilang maliit na negosyo. […]