Lead physician ni PBBM na si Dr. Zacate, bagong hepe ng FDA
- Published on August 5, 2022
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang lead physician na si Dr. Samuel Zacate, bilang pinuno ng Food and Drug Administration (FDA).
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na kuwalipikado si Dr. Zacate sa nasabing posisyon at walang kinalaman ang pagiging lead doctor nito kay Pangulong Marcos para italaga siya bilang bagong FDA chief.
“He is qualified plus he has several distinctions so we are not sure if his being a personal physician factored into this considering he ticks all the boxes, meaning lahat ng requirements bilang FDA [chief] he fulfilled,” ayon kay Cruz-Angeles.
Aniya, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Zacate ay kilala bilang health advocate na may “years of expertise” sa medisina at medical consultancy sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
“He was a diplomate of the Philippine Society for Venereology and a fellow of the International College of Surgeons, dagdag na pahayag ni Cruz- Angeles.
Samantala, ang iba pang bagong appointees ay sina:
retired Brigadier General Roman “Popong” Felix – Secretary, Office of the Presidential Adviser on Military Affairs;
retired Major General Ariel Caculitan – OPAMA Undersecretary for Military Affairs;
retired general General Isagani Nerez – Undersecretary for Police Affairs; at
Attorney Nesauro Firme – Judicial and Bar Council.
(BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Presidential bets naniniwala na ‘tao at sistema’ ang nagpapalala sa korapsyon sa PH
NANINIWALA ang mga presidential bets na ang kasalukuyang sistema at ang mga taong nasa likod nito ang nagpapalala sa korapsiyon sa bansa. Ayon kay Vice President Leni Robredo, tao at sistema ang nag-contribute sa problema, kaya kung siya ang mahalal na pangulo ang kaniyang unang executive order ay ang full disclosure. […]
-
Ads September 18, 2020
-
WHO, kinilala ang magandang vaccination rollout ng Taguig City
Kinilala ng World Health Organization (WHO) ang lungsod ng Taguig dahil sa kasanayan nila sa vaccination rollout. Nakapagbakuna kasi ang Taguig City ng 4,000 katao sa loob ng isang araw. Ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, na naging detalyado sa pagpaplano at execution ang city government ng Taguig sa […]