• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Leading ladies ni XIAN na sina RYZA at JENNYLYN, parehong nabuntis kaya nakabimbin ang pelikula at teleserye

LAST Sunday, napanood na si Miss Universe 2020 Rabiya Mateo sa first acting project niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, sa Halloween special na “Gabi ng Lagim IX.

 

 

Tungkol ito sa isang babaeng ginagambalang maligno sa Marinduque, na tinatawag na “Bungisngis” o “Ngisngis.”

 

 

Ngayon ay handa na si Rabiya sa isang malaking project, ang Agimat ng Agila at makakatsmbal niya si actor-politician Ramon ‘Bong Revilla Jr.

 

 

“Araw-araw akong nagdyi-gym at nag-aaral ng boxing,” saad ni Rabiya, sa interview ng Chika Minute ng 24 Oras, sa zoom meeting ng cast at production staff ng serye.

 

 

Naroon din si Sanya Lopez, na unang leading lady ni Bong, si Roi Vinzon at si director Rico Gutierrez. Sinu-sino pa kaya ang bubuo sa cast?

 

 

Ayon pa kay Rabiya, tiyak daw na marami siyang matututunan sa mga makakasama niyang mahuhusay na mga artista. Very soon Rabiya will be formally launched as a new Kapuso actress.

 

 

***

 

 

NAPAGHANDAAN na pala ng soon-to-be parents na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang kanilang future family, pagkatapos ng civil wedding nila this November.

 

Dennis shared na under construction na ang future home nila, na malayo sa city, somewhere sa Rizal, overlooking with a great view. Siniguro ni Dennis na their kids, Dennis’ son Calix and Jen’s son Jazz, and the coming baby, na they can roam free, at i-enjoy nila ang fresh air.

 

Nagsimula pala silang ipatayo ang bahay early last year at hopefully ay matapos na ito this December, 2021.

 

 

Meanwhile, ang embryo ni Jennylyn ay mananatiling naka-freeze in a clinic sa Dallas, Texas, at sakaling magdesisyon silang ituloy pa rin ang pag-implant ng embryo, ay pwede silang bumalik para isagawa ang procedure.

 

 

***

 

 

DALAWANG projects na ni Xian Lim ang nakabimbin bilang bagong Kapuso.

 

 

Pareho pang mga produkto ng GMA’s reality-based artista search na StarStruck. 

 

 

Una kay Ryza Cenon, Ultimate Female Survivor ng StarStruck 2 at si Jennylyn Mercado, Ultimate Female Survivor ng first season ng StarStruck.

 

 

Sa Muli ang movie nina Ryza at Xian sa Viva Films pero ‘di alam ni Ryza na three months preggy na pala siya sa boyfriend niya, ang cinematographer ng movie, kaya nahinto ang shoot nila, nasabay pa ang covid-19 pandemic. Hanggang sa ngayon ‘di pa sila nakapag- shoot ulit. Last week nag-first birthday na si Baby Night.

 

 

Si Xian din ang leading man ni Jennylyn sa GMA series nilang Love. Die. Repeat. Three months na rin si Jen nang malaman niyang preggy siya, ipinaalam niya iyon sa GMA, na nag-decide nang ihinto na muna ang taping ng serye.

 

 

“Maraming salamat sa aking GMA family for understanding my condition and allowing me to still finish the project once I am ready next year to work again,” saad ni Jen.

 

 

Promise naman ng GMA na bibigyan muna nila ng ibang project si Xian habang naghihintay ng availability ni Jennylyn.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Kasama sa makikita sa bago niyang vlog… BEA, nakapagpatayo na ng Beati Farm Chapel at puwede nang mag-Holy Mass

    TIYAK na mami-miss na naman ng kanyang mga fans ang mahusay na Kapuso actress na si Jo Berry dahil sa Friday, April 22, ay magtatapos na ang Little Princess.       Kaya wish nga ng mga followers ng afternoon prime drama na masundan daw agad ito ng bagong serye, na magtatampok muli kay Jo.   […]

  • Ads January 22, 2022

  • Warriors Andrew Wiggins sa ‘di pagpabakuna: ‘It’s my problem not yours’

    Agaw atensiyon ngayon sa mga mamamahayag si Golden State Warriors swingman Andrew Wiggins dahil sa pagmamatigas pa rin nito na hindi magpabakuna laban sa COVID-19.     Natanong sa media day si Wiggins kung paano na lamang na maging ang kanyang sweldo ay baka maapektuhan sa hindi nito pagpa-vaccine.     Sagot naman ni Wiggins, […]