LeBron at Jeremy Lin nagpaabot nang pakikiramay sa mga biktima ng pamamaril sa Atlanta
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpaabot nang pagdarasal sa buong Asian community si NBA superstar LeBron James.
Ito ay matapos ang nangyaring pamamaril sa Atlanta na ikinasawi ng walong katao na karamihan ay mga Asyano.
Tinawag din nito ang 21-anyos na suspek na si Robert Aaron Long na isang “duwag.”
Bukod kay James nagpaabot rin ng pakikiramay si dating NBA player Jeremy Lin na inilarawan ang insidente bilang nakakasakit sa puso.
Magugunitang unang pinagbabaril ng suspek ang mga nasa Young Asian Massage Parlor sa Cherokee County sa Georgia na ikinasawi ng apat na katao at isa ang sugatan.
Matapos nito ay nagtungo siya sa Gold Massage at pinatay ang tatlong iba pa bago nagtungo sa Aromatherapy Spa at napatay ang isa.
Sa walong nasawi ay anim dito ay mga babaeng Asyano.
-
2023 URBAN GOVERNANCE EXEMPLAR AWARDS NASUNGKIT NG NAVOTAS
HUMAKOT ng mga parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ginanap na 2023 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR). Nakuha ng Navotas ang High Functionality ratings para sa Anti-Drug Abuse Council at Peace and Order Council. Nakakuha rin ito ng Ideal Level of Functionality […]
-
PBBM, balik-Pinas na
BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo matapos ang maikling byahe sa United Kingdom para sa koronasyon ni King Charles III at kanyang opisyal na pagbisita sa Estados Unidos kung saan nakipagpulong siya kay US President Joe Biden. “It feels good to be back home!” ang sinabi ni Unang Ginang […]
-
Japan, naglaan ng P611M halaga ng defense equipment sa Pinas
MAGKAKALOOB ang Japan sa Pilipinas ng P611 milyong halaga ng defense equipment, gaya ng surveillance radars at mga bangka, para mapabilis ang kakayahan ng bansa “to deter threats to peace, stability, and security” sa Indo-Pacific region. Ang pagpopondo sa ilalim ng Official Security Assistance (OSA) ng Tokyo para sa fiscal year 2024 hanggang […]