LeBron at Jeremy Lin nagpaabot nang pakikiramay sa mga biktima ng pamamaril sa Atlanta
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpaabot nang pagdarasal sa buong Asian community si NBA superstar LeBron James.
Ito ay matapos ang nangyaring pamamaril sa Atlanta na ikinasawi ng walong katao na karamihan ay mga Asyano.
Tinawag din nito ang 21-anyos na suspek na si Robert Aaron Long na isang “duwag.”
Bukod kay James nagpaabot rin ng pakikiramay si dating NBA player Jeremy Lin na inilarawan ang insidente bilang nakakasakit sa puso.
Magugunitang unang pinagbabaril ng suspek ang mga nasa Young Asian Massage Parlor sa Cherokee County sa Georgia na ikinasawi ng apat na katao at isa ang sugatan.
Matapos nito ay nagtungo siya sa Gold Massage at pinatay ang tatlong iba pa bago nagtungo sa Aromatherapy Spa at napatay ang isa.
Sa walong nasawi ay anim dito ay mga babaeng Asyano.
-
Mamamayan, hinimok ng CBCP-ECHC na magpa-booster laban sa COVID 19
HINIKAYAT ng opisyal ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang publiko na suportahan ang inisyatibo para sa muling pagpapaturok ng Covid19 vaccine. Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Dan Cancino MI, Executive Secretary ng komisyon kaugnay sa panawagan ng Department of Health na magpa-2nd dose na ang mamamayang Filipino lalo na ang […]
-
Walk-in vaccination inilunsad sa Navotas
Inaprubahan ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang walk-in vaccination para mapabilis ang pagbibigay ng Coronavirus Disease vaccine. Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang mga residente na may edad na 18 hanggang 59 na may comorbidities ay maaari sa walk in vaccination sa Kaunlaran High School. “We did a […]
-
Presyo ng gasolina sisirit uli; diesel, kerosene may katiting na rollback
Panibagong bigtime price hike ang ipatutupad ngayong araw ng mga lokal na kumpanya ng langis sa presyo ng gasolina na ika-10 sunod na linggo na ng pagtaas. Samantala may kaunting rollback naman sa mga produktong diesel at kerosene. Ang Chevron Philippines ay magpapatupad ng P1.15 dagdag sa kada litro ng unleaded […]