• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LeBron at Lakers lumakas ang loob na babandera muli sa NBA dahil sa 11 bagong teammates

Lumakas daw ang loob ngayon ng Los Angeles Lakers na makabangon mula sa pagkabigong maidepensa ang kanilang korona noong nakalipas na NBA season.

 

 

Ito ay makaraang makuha ng team ang umaabot sa 11 mga bagong players kasama na ang dating MVP na si Russell Westbrook mula sa Wizards.

 

 

Ang ilan sa naturang players ay nagbabalik sa team na hangad na masungkit ang ika-18 titulo ng prangkisa.

 

 

Inamin naman ng head coach na si Frank Vogel at veteran player na si Rajon Rondo, na magandang pangitain na mismong ang kanilang superstar na si LeBron James ang nangunguna sa training camp ng koponan.

 

 

Hindi naman inalintana ni LeBron na halos mawalan na ng boses sa kakasigaw sa kanilang training session upang makabisado lamang ng kanyang mga kasamahan ang inihanda nilang diskarte o mga set plays.

 

 

Nakatakdang magbukas na ang bagong season ng NBA sa Oktubre 19.

Other News
  • Kimi, David lupet sa National Juniors Tennis Championships

    SWAK uli si Kimi Brodeth ng Ormoc City sa isa pang ‘twinkill’ samantalang saltong na pantayan ng batang si David Sepulveda ang una, pero nanalo at sumegunda sa wakas nitong weekend ng PPS-PEPP Baybay City National Juniors Tennis Championships sa Baybay courts sa Leyte.     Kumopo ng dalawang korona rin sa balwarte sa nagdaang […]

  • Ombudsman kinuwestiyon ang DA at FTI sa pagbili ng mahal na sibuyas

    HININGI ng Office of the Ombudsman ang ­paliwanag ng mga opis­yal ng Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Inc. (FTI) sa pagbili sa mataas na ­presyo ng sibuyas sa isang kooperatiba.     Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, nais niyang malaman ang katwiran sa pagbili ng dalawang ahensiya ng P537 kada kilo ng sibuyas […]

  • IATF, nagpalabas ng protocols para sa fully vaccinated individuals

    NGAYONG LINGGO ay nagpalabas ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng protocols para sa fully vaccinated individuals.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga fully vaccinated individual ay nabakunahan na ng dalawang linggo o higit dalawang linggo matapos na makatanggap ito ng second dose sa 2-dose vaccine; sa mga single dose vaccine naman ay […]