LeBron James may buwelta sa mga kritiko
- Published on May 19, 2021
- by @peoplesbalita
Binuweltahan ni NBA star LeBron James ang kaniyang mga kritiko.
Kasunod ito ng pagkakatala niya sa loob ng 17 na magkakasunod na season bilang manlalaro na mayroong average na 25 points kada laro.
Dahil dito, nalampasan na niya sina Michael Jordan, Kobe Bryant at Kevin Durant na mayroong 12 total seasons na pumuntos ng 25 points kada laro.
Sa kaniyang social media sinabi nito na noong nagsisimula pa lamang siya ay hindi ito gaano mahilig mag-shoot at sa halip ay puro ito pasa sa mga kasamahan kaya hindi niya akalain na makakamit nito ang karangalan.
Pang-aasar pa niya sa mga kritiko na nais niya talagang maging tagapasa lamang subalit pinipili siyang gumawa ng maraming score.
Sa kasalukuyan ay nasa pangatlong puwesto na ito sa all-time scoring list na mayroong 35,367 na sumusunod kay Karl Malone na mayroong 36,928 at Kareem Abdul-Jabbar na mayroong 38,387.
-
Ads February 5, 2024
-
PBBM, pinuri ang napakahalagang serbisyo sa bayan ng mga guro
PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga guro sa iba’t ibang panig ng bansa para sa kanilang “hindi matatawaran” at napakahalagang serbisyo sa bansa lalo na sa gitna ng nagpapatuloy na limited face-to-face classes. Sa naging mensahe ng Pangulo sa National Teachers’ Day, hinikayat ng Pangulo ang mga Filipino na kilalanin ang “sakripisyo” […]
-
PREPARE FOR TAKEOFF WITH “TOP GUN: MAVERICK” CHARACTER POSTERS
MEET the best of the best. Get to know the Top Gun: Maverick crew with the reveal of their individual character posters. See them on the biggest screen possible on Wednesday, May 25 in theaters and IMAX across the Philippines. [Watch the film’s new spot at https://youtu.be/N8stAcufxy8] About Top Gun: Maverick After more than thirty […]