LeBron unang may edad na NBA player na nagbuhos ng 43-pts at 14 rebounds sa panalo ng Lakers
- Published on January 3, 2022
- by @peoplesbalita
Buwena mano sa kanyang selebrasyon ng ika-37 kaarawan, muling nagpakitang gilas sa kanyang performance ang superstar na si LeBron James upang bitbitin sa panalo ang Los Angeles Lakers laban sa Portland Trail Blazers, 139-106.
Nagbuhos si LeBron ng season-high na 43 points at 14 rebounds para sa kanilang ika-18 panalo.
Batay sa record ng NBA si James ang pinakamatanda sa kasaysayan na nagtala ng maraming puntos at rebounds.
Huling nakagawa ng ganito ay ang basketball legend na si Larry Bird na may edad noon na 35-anyos, taong 1992 nang magtala naman ng 49 points at 14 rebounds.
Sa nakalipas na huling pitong laro, nag-a-average si LeBron sa 36 points.
Samantala nag-ambag rin naman sa panalo si Russell Westbrook na kumamada ng panibagong triple double performance gamit ang 15 points, 13 rebounds at 12 assists.
-
Buti na lang at natapos sa tulong ng mga nanood ng concert: SHARON, emosyonal pa rin ‘pag kinakanta ang ‘Bituing Walang Ningning’ dahil kay CHERIE
NAGING matagumpay ang first leg ng concert ni Megastar Sharon Cuneta sa Adelaide, Australia last October 15. Sa kanyang IG post nagpasalamat nga siya sa mga nanood, “One down, three to go in Australia! Thank you, ADELAIDE for coming to my show last night and for all your love.❤️❤️❤️ I love you all!!! […]
-
Malakanyang, tikom ang bibig sa ulat na lumipad pa-Singapore si PBBM para manood ng F1 Grand Prix
NANANATILING tikom ang bibig ng Malakanyang kaugnay sa ulat na lumpipad patungong Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para manood ng F1 grand Prix. Hanggang ngayon kasi ay hindi sumasagot ang Malakanyang sa “multiple requests for a statement” ukol sa di umano’y weekend trip sa Singapore ng Pangulo sa kabila ng nagkalat na […]
-
3 LRT 2 stations binuksan
Binuksan noong January 24 ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang 3 stations na sinarahan dahil sa naganap na sunog noong October 2019. Ang nasunog na 3 stations ay ang Santolan, Katipunan at Anonas. Ang 3 stations ay sinarahan dahil sa nasunog na dalawang (2) power rectifiers o transformers. Ang […]