• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lee maangas ang workout, sasabay pa rin sa mga bata

PAMBIHIRA  magpakondisyon sa ngayon si Philippine Basketball Association (PBA) star Paul John Dalistan Lee ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

 

 

Pinagpepreparahan ng 31-anyos, 6-0 ang taas na Angas ng Tondo ang 46th PBA 2021 Philippine  Cup na balak umpisahan sa darating na Abril 9 makaraan ang Online 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14.

 

 

Ipinahayag  sa isang sports portal ng basketbolista, na diskarte niya upang makasabay pa rin sa maraming mga batang papasok sa pros.

 

 

Maraming guards ang 97 aspiranteng maging bagitong makapaglaro para sa unang propesyonal na liga ng basketbol sa Asia.

 

 

Dinokumento  ilang araw pa lang ang ang walang tigil na workout ng combo guard sa tulong ni Nicolo Chua ng Simple Grind sa pagpapaskil sa kanyang Instagram account.

 

 

“Don’t be the same. Be better,” bulala ni Lee sa isang litrato sa caption. “Eat, train, sleep, repeat.”

 

 

Tumama sa pro league star ding si Lewis Alfred ‘LA’ Tenorio ng Barangay Ginebra San Miguel ang tinumbok ni Lee.

 

 

Anang Tinyente, malinaw aniya nasapawan siya.

 

 

“Dahil sa ginagawa mo parang gusto ko nang mag-retire, eh, grabe ka pakundisyon pre!” komento ni Tenorio kay Lee. Sister company ang kanilang mga team nap ag-aari ni Rmn S Ang o ng San Miguel Corporation.

 

 

Hinagalpakan na lang ng tawa ni Lee, pinahagingan ang dahilan ng matinding workout.

 

 

“Naghahanda lang ako maraming bata na papasok,” anang Lee-thal Weapon kay Tenorio. “Para tumagal pa tayo, kuya.”

 

 

Pareho nang nagkakaedad ang dalawa pero sumasabay pa rin naman sa mga mas nakababatang karibal sa 10 iba pang team sa liga.

 

 

Ipagdiriwang ni Lee ang ika-32 kaarawan sa Araw ng mga Puso (Pebrero 14), samantalang ang ang PBA Ironman ay 36 anyos na.

 

 

Tama iyang diskarte mo Paul.

 

 

Advance happy birthday na rin.

 

 

***

 

 

Belated happy birthday to Mr. Efren S. Eustaquio Sr. of Barangay San Carlos, Binangonan, Rizal.  (Tatay ‘Ef’) turns 80 years old last Friday, February 12. May you have more birthdays to come po! (REC)

Other News
  • 7 arestado sa drug buy bust sa Valenzuela

    KULONG ang pitong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Sa report ni PSMS Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisenchristena Jr., dakong alas-2:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel […]

  • Heat players Adebayo at Dragic kuwestiyonable pa ring makapaglaro sa Game 4

    LABIS pa ring umaasa sina Miami Heat players Bam Adebayo at Goran Dragic na payagan na sila ng kanilang mga team physician na makapaglaro sa Game 4 NBA finals laban sa Los Angeles Lakers.   Sa ngayon kasi ay question- able pa rin ang status ni Adebayo dahil sa neck strain habang si Dragic ay […]

  • OCD, naghahanda para sa posibleng mas mataas na alert level bunsod ng Bulkang Kanlaon

    SINABI ng Office Civil Defense (OCD) na naghahanda na ito para sa posibleng pagtataas sa alert level matapos makita ng mga eksperto ang tatlong potensiyal na senaryo kaugnay sa situwasyon sa Kanlaon Volcano. “We are preparing for a heightened alert level, and (the Philippine Institute of Volcanology and Seismology) has advised us to maintain Alert […]