Legal age ng vaping hirit itaas sa 25
- Published on June 17, 2024
- by @peoplesbalita
NAIS ng isang eksperto na maamyendahan ang Vape Law at maitaas ang legal vaping age sa 25 mula sa kasalukuyang 18.
Sa health literacy media conference sa Subic, Olongapo City, sinabi ng pulmonologist na si Dr. Maricar Limpin, dating pangulo ng Philippine College of Chest Physicians, na kailangan nang maamyendahan ang naturang batas na kilala rin sa tawag na Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.
Ipinaliwanag ni Limpin na sa kasalukuyan, kahit ang mga batang edad 13 at 15 ay gumagamit na ng vape habang ang mga nagkakasakit naman dahil sa vape ay nasa edad 21 hanggang 23-anyos lamang.
“Ibig sabihin, iyong batas na allowing purchase [ng vape]… dating 21 na binaba pa sa 18. So siguro itaas na lang uli natin. Gawin na lang nating, ideally dapat 25,” aniya pa.
Paliwanag ni Limpin, ang pag-mature ng control center ng utak ay nagaganap sa edad na 25 at sa edad aniya na ito ay maaari nang mag-isip ang isang indibidwal kung makasasama sa kanya ang isang gawain.
Sa ganitong edad aniya ay mas kaya na ring kontrolin ng isang tao ang kanyang sarili at hindi na basta nagpapadala lamang sa kanyang mga nakikita sa iba.
Sakaling hindi kaya ang edad na 25 ay maaaring gawin na lamang itong 21-anyos.
Hindi lamang naman aniya sa vaping ito maaaring iaplay, kundi sa pag-inom rin ng mga nakalalasing na inumin.
-
Mahigit 28-K kababaihan nag-apply para maging train driver sa Saudi Arabia
NASA mahigit 28,000 na mga kababaihan sa Saudi Arabia ang nag-apply para maging driver ng train. Ayon sa Spanish rail company na Renfe, matapos ang kanilang anunsiyo na nangangailangan sila ng nasa 30 babaeng train drivers ay laking gulat nila na umabot sa mahigit 28,000 ang nagsumite ng kanilang application letter. […]
-
‘Proud dad moment’: DINGDONG at ZIA, kinatuwaan ng netizens sa kanilang latest TVC
KINATUWAAN ng mga netizens ang TV commercial ng mag-amang Dingdong at Zia Dantes para sa isang online selling app. Kaya sabi ni Dingdong “proud dad moment” sa kanya habang ginagawa nila ang commercial na dinirek ng dalawang directors that he respects and admires, sina director Cathy Garcia-Molina at Dan Gonzales. […]
-
Gobyerno, “on the right track” para magbigay ng affordable rice-NEDA
“ON the right track” ang admkinistrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para magbigay ng affordable o abot-kayang halaga ng bigas sa merkado. Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon sa press briefing sa Malakanyang na magpapalabas ang administrasyong Marcos ng “economies of scale” na sa kalaunan ay magiging […]