• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Let the games begin! AARANGKADA na ang tinaguriang ‘the biggest show on earth’ tampok ang matitikas na atleta mula sa iba’t ibang mundo na magbabakbakan sa 2024 Paris Olympics.

Isang engrandeng palabas ang inaasahang ilalatag ng host France sa programang magsisimula sa alas-7:30 ng gabi (ala-1:30 ng madaling araw sa Maynila).

 

 

 

Ito ang unang pagkakataon na idaraos ang opening ceremony ng Olympic Games sa labas ng isang Olympic stadium dahil gaganapin ito sa pamosong Seine River.

 

 

Aabangan ng samba­yanan ang pagmartsa ng Team Philippines na pa­ngungunahan nina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam na magsisilbing flagbearers ng delegasyon.

 

 

 

Susuotin ng mga atleta at opisyales ang magandang barong na idinisenyo ng kilalang designer na si Francis Libiran.

 

 

Tinawag itong ‘Sinag’ na may disenyo ng bandila ng Pilipinas.

 

 

 

“Every element of the design showcases the rich cultural heritage of the Phi­lippines,” ayon sa post ni Libiran sa kanyang social media.

 

 

 

Kasama sa parada sina Aira Villegas at Hergie Bac-yadan ng boxing, Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino ng athletics, Kayla Sanchez at Jarrod Hatch ng swimming, Aleah Finnegan ng gymnastics at Samantha Catantan ng fencing.

 

 

Ilang miyembro ng Team Philippines ang hindi makakasama sa parada kabilang na sina Eumir Felix Marcial ng boxing, Carlos Yulo ng gymnastics at Joanie Delgaco ng rowing.

 

 

 

Magpapahinga sina Marcial, Yulo at Delgaco dahil sasabak na agad ang mga ito sa unang araw ng kumpetisyon sa Hulyo 27.

 

 

 

Wala rin sa opening ceremony si EJ Obiena ng pole vault gaundin sina Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Erleen Ann Ando ng weightlifting.

 

 

 

Ang iba pang miyembro ng Team Philippines ay sina Emma Malabuyo at Levi Ruivivar ng gymnastics, Bianca Pagdangan at Dottie Ardina ng golf, at Kiyomi Watanabe ng judo.

 

 

 

Isang magarbong pa­labas ang inihanda ng France para sa bilyong ma­nonood ng opening ce­remony mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

 

 

Aabangan din ang makukulay na fireworks sa huling bahagi ng palabas at ang pagbubukas ng Olympic flame na magsisilbing hudyat ng opisyal na pagsisimula ng palaro.

Other News
  • Pagpapalabas ng P1.5B augmentation funds para sa mga LGUs na matinding sinalanta ng bagyong Ulysses

    INAPRUBAHAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang P1.5 billion na augmentation funds para sa local government units (LGUs) na matinding tinamaan ng bagyong  Ulysses.   Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na hiwalay ang  P1.5 billion augmentation fund sa ibinigay na pondo para sa CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol, mga rehiyon na sinalanta naman ng mga bagyong […]

  • Quezon City may libreng COVID-19 test sa mga pumila sa pantry ni Angel Locsin

    Inaanyayahan ng ­Quezon City Epidemio­logy and Disease Surveillance Unit (CESU) ang mga residente at fans ng aktres na si Angel Locsin na nagtungo sa itinayo niyang community pantry sa Brgy. Holy Spirit noong Biyernes, na mag-avail ng libreng swab testing service na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan.     Ayon kay CESU chief Dr. Rolando […]

  • Rest In Peace: Ligaya F. Callejo

    Si Mrs. Ligaya F. Callejo, ay isinilang noong Marso 3, 1964 sa San Clemente, Tarlac. Siya’y masiyahin at mabait na Teacher sa kanyang mga estudyante, kapwa guro, kaibigan, lalo na sa kaniyang pamilya. Siya ay nagturo sa F. Serrano Sr. Elementary School sa Parañaque ng 29 taon. Subalit noong Setyembre 30, 2019 sa edad na […]