• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Letran target ang 8th win

PAKAY ng defending champion Colegio de San Juan de Letran na ma­sikwat ang ikawalong panalo sa pagharap nito sa Arellano University sa pagpapatuloy ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

 

Magpapang-abot ang Knights at Chiefs sa alas-3 ng hapon matapos ang pukpukan ng Jose Rizal University at San Sebastian College-Recoletos sa alas-12 ng tanghali.

 

 

Nasa ikaapat na puwesto ang Letran bitbit ang 7-3 marka sa ilalim ng nangungunang College of Saint Benilde na may 8-2 baraha at Lyceum of the Philippines University na may 8-3 kartada.

 

 

Ikatlo naman ang Jose Rizal tangan ang 5-2 marka.

 

 

Kaya naman nais ng Knights na mapatatag ang kapit nito sa top 4 upang mapalakas ang tsansang makapasok sa semis.

 

 

Sa kabilang banda, naghahabol din ang Arellano na makalikom ng pa­nalo para mas mapaganda ang kanilang puwesto sa standings.

 

 

Nasa ikaanim ang Chiefs hawak ang 4-5 baraha.

 

 

Galing ito sa dalawang sunod na kabiguan.

Other News
  • Travis, iba pa bilib kay Simon

    SALUDO si Romeo Travis kay Peter June Simon kaya nang mabalitaang magre-retiro na ang dati niyang kakampi sa Magnolia Chicken ng Philippine Basketball Association (PBA) ginamit niya ang social media.   “Legend,” tweet ng dating Pambansang Manok reinforcement, at tropa ni LeBron James noon sa St. Vincent-St. Mary High School sa Akron, Ohio, USA nitong […]

  • DANIEL, umamin na ‘di nila napigilan ni KATHRYN na ‘di magkita

    INAMIN ni Daniel Padilla sa virtual mediacon ng digital movie nilang The House Arrest of Us na sa panahon pala ng total lockdown noong Marso ay hindi nila napigilan ni Kathryn Bernardo na hindi magkita.   Talagang gumawa raw ng effort ang aktor para puntahan sa bahay niya ang katipan.   “Sa sobrang hirap pinuntahan […]

  • Mental health, dapat na maging ‘global priority’-PBBM

    “ANG kalusugang pangkaisipan ay nararapat na maging bahagi ng mga prayoridad na usaping pandaigdigan.”     Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikiisa ng Pilipinas sa pagdiriwang ng World Mental Health Day.     Layon ng nasabing pagdiriwang ang itaas ang kamalayan sa usapin ng mental health.     “Ang kalusugang pangkaisipan […]