• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGBTQI, PROTEKTADO SA MAYNILA

PROTEKTADO na ang kanilang karapatan sa Lungsod ng Maynila ang mga lesbians, gays, bisexu-als, transgender, queers and intersex (LGBTQI).

 

Ito ay makaraan lagdaan kahapon ni Manila Mayor Fracisco “Isko Moreno”Domagoso, ang isang ordinansa na layuning pagkalooban ng proteksiyon ang lahat ng karapatan sa anumang porma ng diskriminasyon sa sexual orientation, gender identity, expression (SOGIE) at pagparusa sa sinuman na lalabag sa ordinansa sa Maynila.

 

Kasama ni Moreno sina Vice Mayor at Council Presiding Officer Honey Lacuna, Majority Floor Leader Joel Chua at President ProTempore at Acting Presiding Officer Ernesto Isip, Jr. ng lagdaan ni Moreno ang Ordinance 8695 na inakda ni Councilor Joel Villanueva na tinawag na “Manila LGBTQI Protection Ordinance of 2020”.

 

Ayon kay Moreno ,walang LGBTQI, ang magdurusa sa anumang uri ng diskriminasyon at lahat ay magiging pantay sa ilalim ng batas.

 

Sinabi ni Moreno na sa ilalim ng ordinansa ,bibigyan ng proteksiyon ang LGBTQI sa kanilang mga workplace, school at social media mula sa pambu-bully.

 

Sa ilalim ng ordinansa dapat na sa loob ng 3 taon ay meeon ng gender-neutral toilets sa loob ng comfort room ng restaurants, bars, stores, movies houses, shopping malls at iba pang katulad na establisimiyento kung hindi ito matutugunan ay hindi papayagan ang renewal ng kanilang business peemit.

 

Maaari umanong maghain ng kanilang reklamo ang LGBTQI sa mga Barangay Chairman kung saan sila nakatira.

 

Papatawan ng P1,000 multa o 6 na buwan pagkabilanggo sa diskresiyon ng korte, sa unang pagkakamali , anim na buwan hanggang 8 buwan pagkabilanggo sa ikalawang pagkakamali, at sa ikatlong pagkakamali 8 buwan hanggang 1 tain pagkabilanggo at multang P5,000.

 

Bilang karagdagang parusa,ang mga lalabag ay isasailalim sa human rights education ng MGSDC sa itatakdang panahon ng korte.

 

Sa kaso naman ng corporations, partnerships, associations at ibang juridical persons, ang mga opisyal ang direktang mananagot.

 

Lilikha rin ng Gender Sensitivity and Development Council (MGSDC) sa ilalim ng ordinansa na siyang magpapatupad ng anti- discrimination programs at ng i tegrate at synchronize programs, projects at activities para sa LGBTIQ community.

 

Sa loob ng 60 araw matapos na maging epektibo ang ordinansa, ang MGSDC ay dapat na bumuo ng ipatutupad na Rules and Regulations and guidelines alinsunod sa isinagawang konsultasyon sa multi-sectoral groups at stakeholders,kinabibilangan ng mga eksperto at kinatawan ng iba’t ibang sektor haya ng civil society, LGBTQI, non-governmental organizations, LGBTQI organizations at community-based organizations. (Gene Adsuara)

Other News
  • PDU30, hindi na dadalo sa ceremonial turn-over ng iba pang Covid-19 vaccine brands sa Pinas

    HINDI na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ceremonial turnover ng iba pang Covid-19 vaccine brands sa Pilipinas.     Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa pagdating ng Sinovac-made “CoronaVac” vaccines ng China na binili ng gobyerno ng Pilipinas noong Marso 29 ang huling magiging pagdalo nito. […]

  • Samahan ni Bert “Tawa” Marcelo at San Miguel, nanatiling matibay

    HINDI na inabutan ng yumaong si Bert “Tawa” Marcelo ang pagbabago ng kumpanyang gumagawa ng paborito nyang beer.   Ngunit ayon sa anak niyang si Gerard ay matutuwa ito kapag nalamang nakaalala ang San Miguel sa kanyang ama at magtatayo na nga ng paliparan sa Bulacan.   “He would have loved to meet Mr. Ramon […]

  • Matapos tanggihan ng manager ang ‘Feng Shui’: JUDY ANN, twenty years ang hinintay para makatrabaho si Direk CHITO

    VERY excited si Judy Ann Santos dahil sa wakas ay natuloy na ang pagsasama nila ng direktor na si Chito Roño sa isang horror film.   Dalampung taong hinintay ni Juday ang pagkakataong maidirek siya ni direk Chito sa isang horror film, naudlot ang tsansa noong 2004 dahil tinanggihan ni tito Alfie Lorenzo, ang namayapang […]