• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGUs maghanda sa super typhoon – Marcos Jr.

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na paghandaan ang mga posibleng pag-ulan at pagbaha na maaaring idulot ng super typhoon Mawar.

 

 

Muling tiniyak ng Pangulo sa publiko na naka-standby ang disaster council sa pagpasok ng super typhoon.

 

 

Ayon kay Marcos, inilagay na ng gobyerno ang mga relief goods sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng Mawar, karamihan sa hilagang Luzon.

 

 

Binanggit ni Marcos na inaasahan ng state ­weather forecaster na palakasin ni Mawar ang habagat at magdadala ng mga pag-ulan sa ibang mga lugar, kahit na hindi ito inaasahang tatama sa lupa.

 

 

“Dito sa bagyong ito…although daraan lang north of the Philippines, apparently hihilahin niya ‘yung habagat para — and there is a chance na magkakaroon ng malakas na ulan pati hanggang — hindi lang southern Luzon, Visayas, pati baka Mindanao. Kaya’t we have already warned the LGUs to prepare in case of heavy rains and flooding.”

 

 

Ipinauubaya ni Marcos sa mga LGUs kung ano ang nararapat na gawin kasabay ang pagtiyak na nakaalalay sa kanila ang national government.

 

 

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na parehong handa ang manpower at relief assistance para sa mga posibleng paglikas dahil sa Bagyong Mawar. (Daris Jose)

Other News
  • Sen. Hontiveros: Masterminds sa likod ng ‘pastillas’ scheme, nakapagbulsa ng halos P40-B

    AABOT umano ng halos P40 billion ang naibulsa ng mga taong nasa likod ng kontrobersiyal na “pastillas” scheme sa Bureau of Immigration (BI) at pag-abuso sa Visa Upon Arrival (VUA) system simula noong 2017.   Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, tinatayang limpak limpak na salapi ang nakurakot ng mga opisyal ng BI base sa arrival […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 14) Story by Geraldine Monzon

    NAGULAT si Bernard nang tawagin siya ng matanda sa pangalan niya. Mula rito ay nalaman niyang ito ang ama ni Roden na dati niyang kaibigan at ka-officemate. Humakbang muli si Bernard palapit sa matanda.   “What a small world, kumusta na po si Roden?”   “Ahm…maayos naman siya…”   “Good. Mabuti naman po at nakilala […]

  • Ads November 18, 2022