LGUs may boses, bida sa UniTeam administration
- Published on March 22, 2022
- by @peoplesbalita
SINISIGURO ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na may malaking papel na gagampanan at mapapakinggan ang boses ng mga lokal na pamahalaan matapos silang manalo sa darating na halalan ngayong Mayo 9.
Ito ang sinabi ni Marcos sa harap ng mga local officials ng Zambales sa kanyang pagbisita sa lalawigan.
Ayon sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sila ng kanyang running-mate na si Inday Sara ang magsusulong at magtatanggol sa interes ng mga LGUs dahil sila ay naniniwala at nagtitiwala sa mga lokal na lider.
“Aasahan ninyo na meron kayong boses sa administrasyon ng UniTeam, magkakaroon ng malakas na boses ang ating local government. Ang UniTeam ang pinaka-magiging champion ng local government kung sakali man at tayo ay maging mapalad (sa darating na halalan),” sabi ni Marcos.
Dagdag pa niya, sila ni Inday Sara ay naniniwala na ang lokal na pamahalaan ang higit na nakakaalam ng mga tunay na nangyayari sa kanilang mga nasasakupan at ang makakapagbigay ng tamang solusyon dahil na rin sa kanilang mga sariling karanasan bilang mga local executive.
“Magkakaroon po kayo ng malakas na boses. Dahil kayong mga local chief executives ang nakaka-alam sa tunay na sitwasyon doon sa lugar ninyo,” sabi ni Marcos.
“Kaya gaya ng sinasabi ko, dapat ipagpantay natin ang relasyon ng local government at national government. Lagi kong sinasabi sa mga congressman, sa mga senador, makinig kayo sa mga local government officials dahil kadalasan sila rin ang nakakaalam ng tamang solusyon sa mga suliranin sa kanilang nasasakupang mga lugar,” wika pa nito.
Sinisiguro din ni Marcos na magkakaroon ng balanseng ugnayan sa pagitan ng national government at local government.
“’Pag nagkataon, sa susunod na pamahalaan, sa susunod na administrasyon at tayo po ay maging mapalad ay ‘yun ang aming balak, na masasabi naming pinagpantay namin ang relationship between the national government and the local government dahil malaking-malaki ang tiwala ng grupong UniTeam sa local leaders,” paliwanag niya.
“Hindi manggagaling sa taas ang utos ng hindi namin nalalaman kung ano ang tunay na sitwasyon. Kailangang magtanong sa local government dahil kayo ang nakakaalam sa sitwasyon sa lugar niyo,” dagdag pa nito.
-
Walang banta sa buhay ni Arnie Teves-PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, idinadawit sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo “Ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman, the best intelligence we have is that we don’t know of any threat. Saan mangggaling […]
-
NCR Plus nasa GCQ pa rin simula Hulyo
Muling palalawigin ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila at ilang probinsyang katabi nito sa susunod na buwan habang patuloy na nananalasa ang coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas. Inanunsyo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga rekomendasyon para sa panibagong quarantine classifications sa lingguhang Talk to the People […]
-
Marvel’s ‘Morbius’ Brings Out a Dark, Unforgettable Side of Jared Leto
JARED Leto disappears into his roles, bringing characters to life in ways that can be moving, or terrifying, or enigmatic, but always unforgettable. “I’m attracted to roles where there’s an opportunity to transform – physical transformation, but also mental, emotional, any and all,” says Jared Leto, who is indeed renowned for his transformations. […]