Libre pasahe sa MRT-3, LRT-2 at PNR sa bakunadong APOR sa Aug. 3-20
- Published on August 5, 2021
- by @peoplesbalita
Magkakaloob ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) ng libreng pasahe para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na bakunado na simula ngayong araw, Agosto 3 hanggang Agosto 20.
Ito ay batay na rin sa kautusan mismo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.
Aniya, maaaring maka-avail ng libreng pasahe sa naturang rail lines ang isang APOR kahit nakakaisang dose pa lamang ito ng COVID-19 vaccine.
Upang maka-avail ng libreng pasahe, kinakailangan lamang aniya na iprisinta ng mga APOR ang kanilang vaccination cards bilang patunay na sila ay nakatanggap na ng bakuna.
Samantala, magkakaloob naman ang Philippine Ports Authority (PPA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA) ng libreng kape, tubig at snacks para sa mga vaccinated persons na naghihintay ng kanilang biyahe sa mga pantalan at paliparan. (Gene Adsuara)
-
P9.8 milyong droga naharang sa NAIA
NAHARANG ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang limang papasok na parcel na naglalaman ng iba’t ibang mapanganib na droga, na misdeclared bilang meryenda, bote, damit, regalo at sleeping bag nitong Biyernes, sa Central Mail Exchange Center sa […]
-
Mayo 10, itinakda bilang “Araw ng Paglingap ng Iglesia Ni Cristo” sa Lalawigan ng Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob kay Gob. Daniel R. Fernando at sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 17 Serye 2021, itinakda ang ika-10 ng Mayo bilang “Araw ng Paglingap ng Iglesia Ni Cristo” sa Lalawigan ng Bulacan o “Humanity Day of the Iglesia Ni Cristo” na epektibo sa araw ng kanyang paglagda […]
-
Mayor Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan: ANG UNANG BABAENG ALKALDE NG MAYNILA, MANUNUNGKULAN NA
Sa katanghalian ng Hunyo 30 ng kasalukuyang taon, magsisimula ng manungkulan bilang bagong alkalde ng Lungsod ng Maynila si Vice Mayor Honey Lacuna habang magiging isa namang ordinaryong mamamayan si Mayor Isko Moreno Domagoso. Si Mayor-elect Honey Lacuna ang kauna-unahang nahalal na babaing alkalde ng Lungsod ng Maynila, simula pa nang unang maupo […]