Libreng cremation sa Tugatog Cemetery, binuksan ng Malabon LGU
- Published on October 21, 2024
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang muling pagbubukas at pagbabasbas ng Tugatog Public Cemetery upang bigyang-daan ang mga residente na bisitahin ang kanilang mga yumaong kamag-anak sa libingan bilang bahagi ng paggunita ng All Saints Day and All Souls Day o Undas 2024.
Nagsagawa ng Banal na Misa ang lokal na pamahalaan para sa kaluluwa ng mga namatay na inidibidwal na nakalibing sa TPC at sinimulan din ng libreng cremation ng mga buto ng mga labi na hinukay para sa muling pagpapaunlad ng sementeryo.
Unang nagtungo si Mayor Jeannie sa TPC para alamin ang alalahanin at mensahe ng mga pamilyang humiling ng libreng cremation ng kanilang mga namatay na kaanak at tiniyak din niya na patuloy silang magsasagawa ng mga programa at proyekto para sa mga nakalibing sa sementeryo.
“Hindi po namin pababayaan ang inyong mga mahal sa buhay na yumao at inilibing dito sa Tugatog Public Cemetery bago pa man simulan ang pagsasaayos nito noong 2021. Itong libreng cremation na ating inilapit sa kanilang mga pamilya ay isa sa mga paunang serbisyong ating maibibigay para masiguro na nasa maayos na kalagayan ang mga labi at magkaroon ng kapayapaan sa kanilang mga puso. Wala ho kayong babayaran, makipag-ugnayan lang po sa ating pamahalaang lungsod. Alam natin na matagal nang naghihintay ang mga Malabueño na mabisita at makapagdasal para sa kanilang mga yumaong mga mahal sa buhay na nasa sementeryo na ito,” ani Mayor Jeannie.
“Ngayon na malapit na ang Undas ay ating sinikap na mabuksan ito kahit na maraming pang kailangan tapusin sa lugar simula ng i-redevelop ito. Nagkaroon ng mga alalahanin ang mga residente ukol sa kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit ating tinutukan ang mga pagsasaayos sa lugar simula ng tayo ay manungkulan bilang alkalde ng Malabon. Kahit parte lamang ng sementeryo ang maaring buksan para sa darating na Undas ay sinisiguro nating ligtas, malinis, at kaaya-aya ang lugar upang maayos na makapagdasal ang mga Malabueño sa kanilang mga mahal sa buhay na nandito,” dagdag niya.
Nauna rito, namahagi ang pamahalaang lungsod ng consent forms sa mga pamilyang gustong maka-avail ng libreng cremation ng mga labi ng kanilang mga yumaong kaanak sa TPC. Nagbigay din sila ng mga opsyon sa ibang pamilya kabilang ang paglipat ng mga buto sa ossuary ng TPC o sa iba pang mga sementeryo o columbaria.
Ibinahagi ng City Health Department-Sanitation Division na ang mga pamilya ng mahigit 500 namatay na Malabueño ay nakipag-ugnayan sa kanila para makuha ang libreng cremation package na kinabibilangan ng urn, bulaklak, kandila, bulaklak, pagdadala ng mga labi sa crematorium at iba pang bayad sa sementeryo.
Noong Linggo, Oktubre 12, siniyasat ni Mayor Jeannie ang TPC upang matiyak na ang lugar, ang ossuary at columbarium, at ang Wall of Remembrance para sa paghanhanda sa muling pagbubukas ng sementeryo.
Nagsagawa rin ang mga miyembro ng CED at CENRO ng repainting ng columbarium, pagkukumpuni ng imprastraktura, landscaping, at paglilinis ng mga palumpong sa TPC para sa paggunita ng All Saints Day at All Souls Day. Naglagay din ng mga portal, water station, at sanitizer para sa kalinisan at kaligtasan ng mga bisita.
Tiniyak ng pamahalaang lungsod sa mga residente na ang mga bangkay ng mga namatay na hinukay sa paunang yugto ng muling pagpapaunlad ng TPC ay ligtas at inalok ng tulong para sa libreng cremation at ilipat sa ossuary o iba pang mga sementeryo nito. Nagtatag din ito ng action center upang magbigay ng tulong sa mga bisita sa paghahanap ng mga niches/vault sa columbarium o ossuary kung saan inilagay ang mga labi ng kanilang mga mahal sa buhay, at mapanatili ang kalinisan, kapayapaan, at kaayusan sa lugar. pagtatayo ng dalawang palapag na gusali na may humigit-kumulang 600 apartment tombs/niches para magdagdag ng espasyo para sa libing ng mga namatay na Malabueño.
“Noong 2021 po nang pansamantalang isara ang Tugatog Cemetery dahil sa redevelopment na sinimulan rito, at alam po namin ang hinaing ng mga Malabueño na masigurong nasa maayos na kalagayan ang mga labi ng kanilang mga minamahal,” pahayag ng alkalde. (Richard Mesa)
-
Birth cert ni Alice Guo pinapakansela ng OSG
PINAPAKANSELA ng Office of the Solicitor General (OSG) ang birth certificate ng suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, batay sa inihaing petisyon sa Tarlac Regional Trial Court kahapon. Magkatuwang ang OSG at ang Philippine Statistictics Authority (PSA) sa pagsasampa ng petisyon. Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang […]
-
Ika-2 autopsy isinagawa kay Dacera habang Sinas nanindigang may ‘rape’
Habang tinutukoy pa ang tunay na dahilan sa kontrobersyal na pagkamatay na 23-anyos na flight attendant sa Makati City nitong Bagong Taon, naisagawa na ang ikalawang pagsusuri ng mga dalubhasa sa mga labi ni Christine Dacera. Ito ang ibinahagi ni Dr. Marichi Ramos, kaibigan ng pamilya Dacera, sa mga reporters nitong Huwebes bago […]
-
Travel ban ng US sa PH, naiintindihan natin – DOT
Naiintindihan umano ng Department of Tourism (DOT) ang travel ban ng US sa Pilipinas dahi sa banta pa rin ng COVID-19. Ayon sa DOT, nais lamang ng US na protektahan ang kanilang mga mamamayan para sila ay hindi mahawaan ng COVID-19. Naiintindihan umano ng Department of Tourism (DOT) ang travel ban […]