• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LIBRENG DRIVE-THRU AT WALK-IN COVID-19 SEROLOGY TESTING SA MAYNILA, BALIK OPERASYON NA

MULING binuksan sa publiko ang lahat ng libreng drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa Lungsod ng Maynila ngayong araw, ika-4 ng Enero, matapos pansamantalang isara ng mga ito nitong nakaraang Kapaskuhan. 

 

 

Sa abiso ng Manila Health Department (MHD), muling bubuksan sa residente at hindi residente ng Maynila ang Drive-Thru Testing Center sa Quirino Grandstand gayunfin ang mga Walk-in Testing Centers sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc at Ospital ng Maynila.

 

 

Magbibigay ng libreng serbisyo ang mga nasabing COVID-19 serology testing centers mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon. (GENE ADSUARA)

Other News
  • BIR, nakapagsampa ng 84 tax evasion cases sa 1st half ng 2021

    Aabot sa P3.15 billion tax liabilities ang inaasahang makokolekta ng gobyerno, kapag natapos ang paghahabol sa 84 na sinampahan ng kaso sa first half ng taong 2021.     Iniulat din ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may 274 firms silang naipasara, para mabawi ang P1.014 billion unpaid taxes.     aliban sa mga […]

  • Navotas namahagi ng bigas sa 91K mga pamilya

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig-limang kilogram ng bigas sa 91,000 Navoteño families bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na magbigay ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng kamakailang pananalasa ng bagyong Carina at habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa lungsod na nakaapekto sa kabuhayan ng marami.           […]

  • PhiSys malapit ng maabot ang 50-M national ID na target

    KUMPIYANSA  ang PhilSys Government Service na maabot nila ang 50-milyon target na national ID na dapat mai-release noong nakaraang taon.     Umabot na kasi sa 23-milyon na physical ID ang kanilang nai-release habang mayroong 19 milyon na electronic Pil ID ang nairelease.     Target nila ngayong taon na mairelease ang 92 milyon na […]