Libreng sakay posibleng maibalik ngayong 2023
- Published on January 7, 2023
- by @peoplesbalita
INAASAHANG maibabalik ngayong taong 2023 ang libreng sakay, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay LTFRB technical division head Joel Bolano na sa kasalukuyan ay inihahanda ng Department of Transporation ang guidelines para sa libreng sakay.
“May nakalaan namang budget para rito kaya lang sa ngayon pina-finalize pa ang guidelines ng department… Pero tama kayo, baka maibalik ang free ride kaya lang kung paano ito i-implement, wala pa tayong guidelines,” dagdag pa ni Bolano.
Magugunitang una nang inihayag ni Sen. Sonny Angara na nasa P2.16 billion ang inilaan para sa programa na lubhang mababa sa P12 billion na hiniling ng DOTr.
Kaya kailangan umanong madetermina ang mga lugar na makokoberan ng free rides dahil na rin sa limitadong budget, ayon pa kay Bolano.
“Magiging dependent ito kung saan aabutin nito (budget), kung Metro Manila lang ba o kung isasama ‘yung ibang original offices natin, probinsya,” dagdag pa nito.
Magugunitang ang EDSA Bus Carousel ay nagsakay ng libre simula pa noong Nobyembre 2020 makaraang i-subsidized ng pamahalaan ang pasahe ng mga commuters dahil na rin sa nagdaang pandemya. Nito lamang unang araw ng Enero nagsimulang maningil ang busway.
Nagbabayad ang pamahalaan ng nasa P10-P12 milyon araw-araw sa concessionaires para sa may 600 hanggang 700 buses na nakakapagsakay ng nasa 400,000 pasahero. (Daris Jose)
-
Truck ban sa Roxas Boulevard, ipapatupad ng MMDA
INAPRUBAHAN ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad ng pansamantalang truck ban sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa layuning maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa gitna ng patuloy na konstruksyon sa lugar. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Carlo Dimayuga III na ang pansamantalang truck ban ang nakitang solusyon ng […]
-
Ads June 24, 2022
-
P50K sahod kada buwan, hirit ng Pinoy nurses
MULING nanawagan ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa gobyerno na pabutihin ang kundisyon ng mga nurse sa bansa, kabilang ang pagbibigay ng P50,000 basic salary kada buwan, upang mahikayat ang kanilang mga kasamahan na manatili sa Pilipinas. Sa isang pahayag sinabi ng FNU ang hinihinging ‘entry salary’ na P50,000 sa pampubliko at […]