• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lider ng Bayan Muna, utas sa shootout!

Patay ang sinasabing lider ng militanteng grupong Bayan Muna sa lalawigang ito matapos umanong manlaban sa mga operatiba sa ikinasang pagsalakay bitbit ang isang search warrant kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City.

 

 

Bulagta ang target sa operasyon na si Emmanuel Araga Asuncion, nasa hustong gulang, residente ng Block 2 Lot 5 Florenceville Subd., Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite, at umano’y lider ng Bayan Muna movement organizations matapos may ­ilang minutong pakikipag-engkuwentro umano sa rai­ding team.

 

 

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Police director Col. Marlon Santos, alas-5:30 ng madaling araw nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-RFU4A), Dasmariñas City Police-PIB, MIG4 -ISAFP, Rizal Police at Police Regional Office 4A ang search warrant operations laban kay Asuncion na nasa CTG Target Personalities ng Cavite.

 

 

Bitbit ng grupo ang Search Warrant No. 21-31048-49 para sa kasong paglabag sa R.A 10591 at RA 9516 na ­inisyu ni Jose ­Lorenzo Dela Rosa, 1st Vice ­Executive Judge ng RTC, NCJR, Branch 4, Manila at isinilbi sa bahay ni Asuncion.

 

 

Gayunman, sa halip na sumuko, kumaripas umano ng takbo si Asuncion at nakipagpalitan pa ng putok sa mga ­operatiba.

 

 

Nang humupa ang habulan at engkuwentro, nakitang nakabulagta ang suspek at nakuha sa lugar ang isang caliber .45 pistol, dalawang magazine ng cal. 45 na kargado ng mga bala at 4-fired cartridges. (Gene Adsuara)

Other News
  • Head coach ng PH women’s national football

    MANANATILI bilang coach ng Philippine women’s football team si Alen Stajcic.     Kinumpirma ito ng Philippine Football Federation (PFF) kung saan pumirma ang Australian coach ng kaniyang kontrata ng hanggang 2023 FIFA Women’s World Cup.     Sinabi ni Jefferson Cheng ang team manager ng women’s football team ng bansa na mahalaga ang magiging […]

  • DOH: 8,764 healthcare workers infected; 58 patay sa COVID-19

    Aabot na sa 8,764 ang bilang ng mga health care workers sa Pilipinas ang tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).   Batay sa data ng ahensya, as of September 16, mayroon nang 8,068 na ang gumaling at 58 ang namatay na, mula sa nasabing total.   Ang mga active cases o nagpapagaling […]

  • Ads January 11, 2021