Lillard pumukol ng 11 tres sa panalo ng Blazers
- Published on December 15, 2022
- by @peoplesbalita
PORTLAND, Ore. — Dinuplika ni Damian Lillard ang sarili niyang franchise record na 11 three-pointers at tumapos na may 38 points para pamunuan ang Trail Blazers sa 133-112 dominasyon sa Minnesota Timberwolves.
Kumonekta si Lillard ng matinding 11-for-17 shoo-ting sa 3-point range at hindi na naglaro sa fourth quarter para sa Portland (15-12) na nagposte ng 27-point lead kontra sa Minnesota (13-14).
Nagdagdag si Jerami Grant ng 24 points habang humakot si center Jusuf Nurkic ng 14 points at 16 rebounds para sa Blazers.
Umiskor naman si guard D’Angelo Russell ng 23 points sa panig ng Timberwolves at tumipa si slotman Rudy Gobert ng 20 rebounds at 16 points.
Nagsalpak si Lillard ng walong tres para sa kanyang 27 points sa pagtatala ng 70-59 halftime lead ng Portland sa Minnesota.
Pinantayan niya ang kanyang team record na 11 tres sa 5:45 minuto ng third quarter para sa 88-70 pagbaon ng Blazers sa Timberwolves.
Sa Indianapolis, humakot si center Bam Adebayo ng 22 points at 17 rebounds at umiskor si Jimmy Butler ng pitong sunod na puntos sa dulo ng fourth quarter para akayin ang Miami Heat (13-15) sa 87-82 pagdaig sa Indiana Pacers (14-14).
Sa Los Angeles, kumamada si Paul George ng 26 points at may 25 markers si Kawhi Leonard para ihatid ang Los Angeles Clippers (16-13) sa 113-93 pagsapaw sa NBA-leading na Boston Celtics (21-7).
Sa Dallas, nagsumite si Luka Doncic ng 38 points at 11 rebounds sa 121-114 paggupo ng Mavericks (14-13) sa Oklahoma City Thunder (11-16).
Sa Portland, dinuplika ni Damian Lillard ang kanyang franchise record na 11 triples at tumapos na may 38 points sa 133-112 pagdaig ng Trail Blazers (15-12) sa Minnesota Timberwolves (13-14).
Sa Memphis, naglista si Tyus Jones ng 22 points at 11 assists at may 18 markers si Dillon Brooks sa 128-103 demolisyon ng Grizzlies (18-9) sa Atlanta Hawks (14-14). (CARD)
-
Nominasyon sa PH Sports Hall of Fame, simula na
MAY tsansa ang lahat ng mga Pilipino maipakita ang suporta sa kanilang mga iniidolo sa sports sa pagsumite ng kanilang nominasyon para maipakita at maisama sa kasaysayan ang kanilang iniambag na kabayanihan sa taong 1924 hanggang 1994 sa sunod na tatlong buwan simula nitong Marso 1. Binuksan na nang Philippine Sports Hall of Fame […]
-
SOLUSYON SA PANDEMYA, GUSTONG MARINIG NG SIMBAHAN SA SONA
UMAASA na may ginawa o gagawin at gagawin ng pamahalaan bilang tugon sa pandemyang nararanasan ng Pilipinas ang nais na marinig ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo sa nakatakdang ika-5 State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Manila Apostolic Bishop Broderik Pabillo na ito ang pangunahing suliranin ng bansa […]
-
2 Azkals stars sinusulot ng Thailand
Nakakuha ng offer mula sa Thailand league si Jarvey Gayoso matapos ang kanyang kampanya sa Azkals Development Team sa Philippines Football League (PFL). Isiiniwalat ito ni ADT coach Scott Cooper na target umanong kuhanin ng Thai clubs ang serbisyo ni Gayoso matapos nitong mapanood ang laro nito sa kakatapos na PFL bubble kung saan […]