Limitadong religious gatherings, pinapayagan para sa mga fully vaccinated na tao
- Published on January 7, 2022
- by @peoplesbalita
PINAPAYAGAN ang limitadong religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.
Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos magdesisyon ang National Task Force na ipagbawal ang “in-person religious gathering” para sa Pista ng Itim na Nazareno.
Bago pa ang nasabing desisyon, maging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nanawagan na isuspinde ang “in-person religious gathering” na may kinalaman sa Black Nazarene Feast o tinatawag na Traslacion.
“Under Alert Level 3, it is at 30% [allowed operating capacity] indoor for fully vaccinated,” ayon kay Nograles.
“Iyon pa rin po ang sinusunod natin, although we suspended religious gathering for the Feast of the Black Nazarene,” dagdag na pahayag nito.
Tinatayang may 50.6 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang nagpapatuloy naman ang pagtuturok ng booster shot laban sa COVID-19 sa mga may edad na 18 pataas.
Ang Kalakhang Maynila, Bulacan, Cavite at Rizal ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15.
Bahagi ng Alert Level 3 protocol ang pagbabawal sa “in person classes” para sa basic education, karaoke at indoor entertainment, pagtitipon ng mga tao na hindi naman magkakasama sa iisang bahay, casino/horse racing/cockfighting operations at contact sports maliban para sa bubble set up.
Samantala, umakyat naman sa 26% ang COVID-19 positivity rate sa bansa “as of January 4” mula sa 1% noong kalagitnaan ng Disyembre ng nakaraang taon. (Daris Jose)
-
Kaya walang naging aberya sa pagsasagawa ng BSKE 2023: Suplay ng kuryente, normal- DOE
NANATILING normal ang suplay ng kuryente habang isinasagawa ang botohan para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), araw ng Lunes, Oktubre 30. Sa naitalang situation report ng Department of Energy (DOE), sinabi ng DOE-led Energy Task Force Election na “all power generation plants are in normal operation,” maliban sa Ilijan plant at SLPGC […]
-
SENATE BILL 2094: IBA ANG PUBLIC UTILITY sa PUBLIC SERVICE, at ang EPEKTO sa PUBLIC LAND TRANSPORTATION
Sa mahabang panahon ang public land transport ay itinuturing na public utility business kaya naman ayon sa nationality restriction provision ng Saligang Batas ay dapat at least 60 percent ay pagaari ng mga Pilipino. Ibig sabihin ay maaring pumasok sa public transport ang mga dayuhan basta hindi lalampas sa 40 percent ang kanilang […]
-
Ads June 12, 2024