• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Limitadong vaccine doses, inirekomenda ng OCTA na i-focus sa NCR

Hinikayat ng mga eksperto mula sa OCTA Research Team ang gobyerno na mag-focus na lang sa pamamahagi ng limitadong suplay ng coronavirus vaccines sa mga lugar na may mataas na coronavirus cases, partikular na rito ang Metro Manila at Calabarzon.

 

 

Ayon kay OCTA Research fellow Prof. Ranjit Rye, nakatakda silang magsumite ngayong linggo ng kanilang sariling vaccine model. Mas makabubuti aniya kung gagamitin ng pamahalaan ang risk-based approach.

 

 

Ibig sabihin lang nito ay uunahing mabakunahan ang lahat ng health care workers, matatanda at mga indibidwal na may comorbidities.

 

 

Kailangan aniya na pagtuunan na rin ng pansin ang NCR at Calabarzon kung saan naitatala ang karamihan ng COVID-19 cases. Kung gagawin daw ito ay naniniwala ang OCTA na hindi lang maaabot ng Pilipinas ang herd immunity subalit pati na rin ang posibilidad na bumaba ang mga kaso ng nakamamatay na virus.

 

 

Suportado rin ng grupo ang risk-based approach para sa alokasyon ng mga bakuna ngunit dahil na rin sa kakulangan ng suplay nito at pamimilit na muling nang buksan ang ekonomiya, ayon kay Rye maaari raw aralin ng pamahalaan ang pag-reallocate ng spaces.

 

 

Posible raw na magreklamo rito ang ibang rehiyon pero naniniwala ang grupo na maihahalintulad ang pandemic sa isang ahas. Kung uunahin aniya na putulin ang ulo nito, ay malaki ang tsansa na magkaroon ito ng malawakang epekto sa laban kontra COVID-19.

 

 

Dagdag pa ni Rye na malayo pa ang landas na tatahakin ng bansa para magapi ang coronavirus pandemic kahit pa nakakakita na sila ng pagbaba sa COVID-19 reproduction number. (Daris Jose)

Other News
  • MIF, dedikasyon para makapangalap ng sapat na pondo para sa mga pangunahing programa

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Australian business leaders na ang Maharlika Investment Fund ay dedikasyon ng kanyang administrasyon para makapangalap ng sapat na pondo para sa mga pangunahing programa.     Sa isinagawang Philippine business forum, sinabi ni Pangulong Marcos na ang overhaul ng “fiscal incentive structures at responsive policies” ng bansa […]

  • Miss Universe HARNAAZ SANDHU, stand-out at hinangaan sa Q & A: India, muling nagwagi after 20 years

    AFTER 20 years, muling nagwagi ang India ng Miss Universe crown and title at ito ay napagwagian ng 21-year old na si Harnaaz Sandhu.     Huling nagwagi ang India ng Miss Universe crown ay noong 2000 at si Lara Dutta ang Miss India. Una naman silang nanalo ay noong 1994 with Sushmita Sen representing […]

  • IATF, inaprubahan ang amended guidelines para sa Alert Level 1

    INAPRUBAHAN ng  Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Linggo, Pebrero  27, 2022, ang inamiyendahang guidelines sa Nationwide Implementation ng Alert Level System for COVID-19 Response.     Ilan sa mga  protocols na kailangang i-observe sa ilalim ng Alert Level 1 ay:     “Well-fitted face masks shall be worn properly at all times, whether outdoors […]