Limited face-to-face classes sa mga low risk areas
- Published on July 23, 2020
- by @peoplesbalita
Binigyang diin ng Malacañang na ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limited face-to-face classes ay para lamang sa mga paaralang nasa ilalim ng low risk area classification o mga nasa modified general community quarantine (MGCQ) o nasa transition phase na ng MGCQ papuntang new normal.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon pa ring mahigpit na guidelines ang dapat munang masunod ng mga paaralan ito, bago sila payagan na makapagsagawa ng limited face-to-face classes.
Ayon kay Sec. Roque, kailangang masunod ang mga minimum health standards tulad gaya ng pagpapatupad ng “No Mask No Entry Policy” sa mga paaralan, hand washing at hand hygiene, regular na disinfection ng school premises, pagcheck sa temperatura at respiratory symptoms at pagbabawas ng class size sa 15-20 maximum at seating arrangement alinsunod sa social distancing measures.
Kabilang rin ang intermittent attendance sa paaralan para makatalima sa distance learning at pagkontrol sa daloy ng mga mag-aaral at personnel sa entrance at exit ng mga paaralan.
Idinagdag ni Sec. Roque na bawal pa rin ang mass gatherings at dapat ay mayroong visible instructions, signages at markings.
Inilinaw pa ni Sec. Roque na papayagan lamang ang limited face-to-face classes sa January 2021 o 3rd quarter ng school year habanng papayagan namang magpatuloy ang mga private schools na una nang nagsagawa ng limited face-to-face classes noong Hunyo.
Ang pilot testing at inspeksyon ay pangungunahan ng National Task Force Against COVID-19 para matiyak kung nakasunod ba sa minimum health standards at protocols ang mga ito.
Ayon kay Sec. Roque, kailangang masunod ang mga minimum health standards tulad gaya ng pagpapatupad ng “No Mask No Entry Policy” sa mga paaralan, hand washing at hand hygiene, regular na disinfection ng school premises, pagcheck sa temperatura at respiratory symptoms at pagbabawas ng class size sa 15-20 maximum at seating arrangement alinsunod sa social distancing measures.
Kabilang rin ang intermittent attendance sa paaralan para makatalima sa distance learning at pagkontrol sa daloy ng mga mag-aaral at personnel sa entrance at exit ng mga paaralan.
Idinagdag ni Sec. Roque na bawal pa rin ang mass gatherings at dapat ay mayroong visible instructions, signages at markings.
Inilinaw pa ni Sec. Roque na papayagan lamang ang limited face-to-face classes sa January 2021 o 3rd quarter ng school year habanng papayagan namang magpatuloy ang mga private schools na una nang nagsagawa ng limited face-to-face classes noong Hunyo.
Ang pilot testing at inspeksyon ay pangungunahan ng National Task Force Against COVID-19 para matiyak kung nakasunod ba sa minimum health standards at protocols ang mga ito. (Daris Jose)
-
Kahit sugatan at duguan: KRISTOFFER, natapos at nag-2nd place pa sa sinalihang triathlon
KAHIT sugatan at duguan, nagawang matapos ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang sinalihan nitong triathlon kamakailan. Nag-2nd place pa ang aktor sa naturang competition na inakala niyang hindi niya matatapos dahil sa mga natamo niyang aksidente. May tatlong levels ang triathlon at ito ay swimming, cycling at long distance running. Makikita sa Instagram […]
-
Hininga ni JUDY ANN ang binigay para sa anak na si YOHAN na 17 years old na
BUKOD sa nasa ika-4 na taon na ang Tadhana ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, very proud si Dingdong Dantes sa kanyang Misis, dahil sa paglago naman talaga ng sariling business nito, ang Floravida by Marian. Nagsimula lang ito sa mga long-lasting flowers design niya, hanggang sa magkaroon siya ng Floravida […]
-
P6.8 milyong shabu, nasamsam sa tulak sa Caloocan
AABOT P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang umano’y big-time tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Operation Unit-National Capital Region (PNPDEG-SOU-NCR) Chief P/Col. Darwin Miranda ang naarestong suspek […]