Listahan ng 4Ps, pina-update
- Published on November 21, 2024
- by @peoplesbalita
BUNSOD na rin sa inaasahang libong benepisaryo ng 4Ps na kabilang sa mawawala sa susunod na taon (2025), hiniling ng mga mambabatas na mgkaroon ng update sa poverty mapping sa nasabing Pantawid Program.
Sa House Resolution 2085 na inihain nina 4Ps Partylist Rep. JC Abalos at House Minority Leader Marcelino Libanan, nanawagan ang mga ito sa House Committee on Poverty Alleviation na rebyuhin ang estado ng Republic Act No. 11315, o Community-Based Monitoring System (CBMS) Act, na naisabatas noong April 2019.
Ang CBMS ay idinisenyo para makapaglaan ng tama at maaayos na datos ukol sa target beneficiary magsagawa ng komprehensibong poverty analysis, at magbuo ng polisiya na tutugon sa specific needs ng bulnerableng sektor.
Importante ang naturang mga datos para sa mas episyenteng government social protection at welfare programs.
“Sa darating na taon, napakahalaga ng CBMS data para sa pag-target ng mga karapat-dapat maging beneficiary ng DSWD 4Ps program bilang pangunahing inisyatiba ng gobyerno laban sa kahirapan. Hindi na sapat ang listahanan na ang huling datos ay noong 2019 pa,” ani Abalos.
Nagpahayag din ng pag-alala ang mambabatas sa pag-alis ng ilang 4Ps beneficiaries na nakasaad sa 4Ps law o Republic Act No. 11310.
“There are 422,449 households expected to exit the program in 2025 alone. An additional 3.3 million households are projected to graduate by 2026 due to self-sufficiency, natural attrition, or their seven-year tenure under the 4Ps Act,” paliwanag ni Abalos.
“With the Listahanan already exhausted, and given the significant number of beneficiaries set to graduate, the CBMS data should be ready to prevent delays in onboarding new grantees and ensure the seamless implementation of the program,” dagdag nito.
Noong May 2023, inihayag ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang pagtatapos sa Listahanan upang magbigay daan sa CBMS data ukol sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Siniguro naman The Philippine Statistics Authority (PSA), na siyang nangangasiwa sa implementasyon ng CBMS, sa availability ng updated data sa pagtatapos nitong ton, kasunod nang isinagawang CBMS Census nitong unang bahagi ng taon. (Vina de Guzman)
-
Halos 40 bansa na ang nagtala ng Omicron coronavirus variant – WHO
Umabot na sa 38 mga bansa ang nakapagatala ng Omicron coronavirus variant. Itinuturing kasi ng World Health Organization (WHO) na ang nasabing variant ng COVID-19 ay mabilis humawa. Pinakahuling bansa ang US at Australia na may naiulat na local transmission ng Omicron. Nagbabala ang WHO na aabutin pa ng […]
-
Celine maingat sa praktis
PATULOY pa rin sa pagpapakondisyon si Premier Volleyball League (PVL) star Celine Domingo ng Creamline Cool Smashers maski wala pang petsa ang pagbubukas ng ikaapat na edisyon ng women’s volleyfest sa taong ito. Sa isang Instagram post ng middle blocker kamakailan, kahit mag-isa lang siya sa volley drills, naging seryoso sa training, na naka-face […]
-
Bukod sa hinuhulaan na kung sinu-sino ang magwawagi: Direk ICE, JONA, ZEPHANIE at REGINE, may mga pasabog sa ‘The 5th EDDYS’
KANYA-KANYA nang hula ang mga fans at netizens kung sinu-sino ang magwawagi sa The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ngayong Linggo na, November 27 sa Metropolitan Theater (MET). Magsisilbing host sa awards night ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda at sa […]