• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Listahan ng seniors na may ayuda, bubusisiin ng Maynila

IPINAG-UTOS ni Manila ­Mayor Honey Lacuna ang paglilinis sa listahan ng mga senior citizen upang makatiyak na residente pa ang mga ito sa lungsod.

 

 

Ang direktiba ay ibinigay kay  Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto, matapos na makatanggap ng ulat na may mga nasa listahan na hindi na nakatira sa Maynila at patuloy na nakakatanggap ng ayuda.

 

 

Ito rin, ayon kay Lacuna, ang dahilan kung bakit nire-require ng OSCA ang  personal appearance ng mga senior citizens kapag kukuha sila ng monthly financial aid na ipinamimigay ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

 

 

Kabilang din sa pinabubusisi ang mga nasa listahan na doble ang pangalan o mga nakatala sa magkaibang barangay dahil sa paglipat ng tirahan o upahan.

 

 

Sinigurado naman ng alkalde na ang mga inactive ang status dahil sa hindi kumpleto ang kanilang detalye ay aasistihan ng pamahalaang lungsod.

 

 

Sa katunayan, sinabi ni Lacuna na marami ng mga senior citizens ang humingi ng tulong sa tanggapan ng OSCA para mag-fill out ng  mga kailangang detalye para sila ay mapabilang sa listahan ng mga tatanggap ng monthly cash assistance na ibinibigay ng lokal na pamahalaan.

 

 

“Marami na ang nagtungo at natugunan naman ang kanilang problema tungkol sa masterlist.  May mga pinagagamit tayong laptops or computers para malutas kaagad ang mga ganyang problema,” sabi ni Lacuna.

 

 

Binanggit pa ng lady mayor na may mga pagkakataon na ang isang senior citizen ay nakarehistro sa kanyang sariling barangay, pero nakarehistro pa rin sa barangay ng kung saan nakatira ang anak nito.

 

 

Kapag nasa  masterlist na ang isang senior citizen, wala ng dahilan, ayon kay  Lacuna  para hindi niya matanggap ang kanyang allowance sakaling ito ay available na.

Other News
  • Lyceum kampeon sa NCAA online chess

    Nasungkit ng Lyceum of the Philippine University ang korona sa NCAA Season 96 seniors’ online chess tournament.     Pinayuko ni Neymark Digno ng Lyceum si Carl Jaediranne Ancheta ng Arellano University sa championship round upang matamis na angkinin ang titulo.     Nagkasya lamang sa pilak si Ancheta.     Nakahirit ng tiket sa […]

  • Pinas, nakikitang magiging 27th largest economy sa buong mundo sa 2037

    NAKIKITANG tataas ang paglago ng ekonomiya ng bansa at makokopo ang 27th spot bilang biggest economy sa buong mundo sa 2037. Sa World Economic League Table (WELT) 2023 ng Centre for Economics and Business Research (CEBR), ang pagtataya sa ulat, ang Pilipinas ay tatalon ng 11 notches sa rankings, magmumula sa electronics manufacturing sector. “The […]

  • Ads June 9, 2021