• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Liza, suportado ng Star Magic sa kasong isinampa tungkol sa ‘rape jokes’

SUPORTADO ng Star Magic ang kasong isinampa ni Liza Soberano laban sa rating empleyado ng internet provider na nag-comment ng, ‘ang sarap ipa-rape’ sa Facebook page.

 

Base sa official statement ng Star Magic.

 

“ABS-CBN and Star Magic fully support Liza Soberano’s filing of a criminal complaint with the Office of the City Prosecutor for libel, threats, and unjust vexation against the person who posted disparaging remarks about her character and, worse, threatened to have her raped.

 

“Reckless and malicious use of social media should never be tolerated. Moreover, rape is not a joke. We applaud Liza’s courage to protect her dignity as a woman. Let this be a lesson to everyone to be responsible in using social media and to be respectful of others.”

 

“Earlier this week, it was reported that Liza received a rape remark from a netizen who was allegedly a former employee of her previous internet service provider.

 

“Liza retweeted a screenshot of the supposed comment, which stated: “Wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. Sarap ipa-rape sa mga…. ewan!”

 

Bukod sa talent management ng Kapamilya Network ay suportado rin si Liza ng kapwa niya artista tulad nina Angel Locsin at Alessandra de Rossi.

 

Sa Tweet ni MJ Felipe na nag- cover ng pagsasampa ng kaso ni Liza ay nire-tweet ito ni Alessandra.

 

Ang mensahe ni Alessandra, “Matuto lang galangin ang isa’t isa online. Lesson na ito para sa lahat. Salamat, Liza. ‘kaso’ is not good and magastos pa. So think before you make a nasty remark. Wala naman may kayang magsabi nun in person, lalong wag mo gawin online kung saan may ebidensya.”

 

Ni-retweet naman ni Angel ang post ni Alessandra at naka- tag si Liza.

 

Say ni Angel, “Mahigpit na akap @lizasoberano [hugging face emoji].”

 

Sumagot si Liza ng emoji na tatlong hugs.

 

Sabi pa ni Liza, “I think it is about time that people learn the consequences of speaking like that on social media. There are consequences to everything, like rape jokes, because that is not a light matter.”

 

*****

 

NAPANSIN sa Emmy Awards 2020 ang documentary film ni Jake Zyrus ang Jake and Charice.

 

Ipinagmalaki ng singer/ songwriter ang magandang balita sa kanyang fans at Instagram followers at nagpasalamat na rin.

 

Ang caption ni Jake sa larawang may nakasulat na documentary film na Jake and Charice bilang isa sa nominees sa Emmy Awards 2020 para sa kategoryang Best Arts Programming category.

 

“Surreal. Thank you @iemmys. It’s an honor.”

 

Samantala, makakatunggali ni Jake ang entry mula sa iba’t ibang bansa, ang Refavela 40 ng HBO Brasil / Conspiração (Brazil), Ressaca Babel ng Doc /France Televisions (France) at Why do we Dance? ng Sky Arts Production Hub (United Kingdom).

 

Sa darating na Nobyembre. 23, 2020 gaganapin ang 48th edition ng International Emmys Award.

 

Ang Jake and Charice ay sinyut sa Nippon Hoso Kyokai o NHK Japan kung saan tampok ang talambuhay ni Jake at ang mga pinagdaanan niya bilang isang transgender man.

 

Detalyadong ikinuwento ni Jake sa documentary film ang naging buhay niya mula nang mawala si Charice Pempengco sa eksena at tuluyang talikuran ang pagiging babae.

 

Napanood ang Jake And Charice sa Japan noong 2019 at nakatanggap na rin ng mga parangal tulad ng Gold Camera award sa 50th United States International Film and Video Festival, kasabay ng celebration ng pride month.

 

Umabot naman sa 1,118 ang nag-like sa post na ito ni Jake pero wala kaming nabasang komento mula s aka nyang 201k followers.(REGGEE BONOAN)

Other News
  • Franklin pumukol ng pitong tres kontra Dyip

    IBINUHOS ni Jamaal Franklin ang pitong tres tungo sa pagtatala ng kabuuang 42 puntos na nagbitbit sa Converge FiberXers sa ikalawang sunod na panalo sa pagpapalasap ng 130-115 kabiguan kontra Terrafirma Dyip sa PBA Governors Cup kagabi sa PhilSports Arena sa Pasig.   Nagdagdag pa si Franklin ng 11 rebounds, 8 assists, 1 steal at […]

  • Ads August 6, 2021

  • SHARON OSBOURNE, nag-apologize na sa ‘racist remark’ pero posible pa ring matsugi sa talk show

    INAAKUSAHAN ang The Talk host na si Sharon Osbourne ng pagiging isang racist.     Ito ang naging issue ng naturang talk show na kasalukuyang in hiatus dahil inaalam pa kung ang kahihinatnan ng mga reklamo laban kay Osbourne.     Nagsimula ang lahat nang kampihan ni Osbourne si Piers Morgan na nagsabing nagsisinungaling si […]