Loan requirements para sa PUV modernization, dapat gawing simple
- Published on October 4, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI dapat pahirapan pa ng gobyerno ang mga naghihira na public utility vehicle (PUV) drivers at operators na gustong makiisa sa PUV modernization program ng pamahalaan.
Ipinunto ito ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee kasabay nang panawagan nito sa Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), at iba pang government financial institutions na simplihan at i- streamline ang nakalulula umanong loan requirements para sa transport cooperatives at corporations sa pagbili ng makabagong jeep.
Sa isinagawang plenary deliberations sa panukalang 2024 budget ng Department of Transportation (DOTr), inihayag ni Lee na hindi dapat pahirapan ang mga PUV drivers at operators sa pagkuha ng loans upang ipambili ng modernong jeep.
“Let us liberalize and simplify these requirements. Marami na ngang na-comply na requirements na hiningi ang LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) at LTO (Land Transportation Office), kilo-kilometro pa rin ang dami ng hinihingi ng Land Bank o DBP na mahirap kumpletuhin,” giit ni Lee.
“Kaya po tayo nagsusulong ng ganitong mga programa, kaya natin pinapataas at pinapalaki ang budget, ay para makatulong. It defeats the purpose kung pinapahirapan natin sila. Ano ba talaga ang papel natin dito? Ang tulungan sila o ang pahirapan sila?” pagtatanong ng mambabatas.
Iginiit pa nito na magtulungan ang LTFRB para gawing mas mabilis ang proseso nang pagpapautang ng Land Bank, DBP at iba pang government financial institutions.
Ayon kay Lee, ang isang jeepney driver o operator na kumikta ng P500 hanggang P750 kada araw ay hindi kayang makabili ng modernong jeep na nagkakahalaga ng mahigit P2 million.
Bukod sa pagpapabilis at pagapadali sa proseso at requirements sa pautang, hiniling din ni Lee ang naglalaan ng alokasyon na P1.8 billion para sa PUV modernization program na nakakuha ng zero funding sa 2024.
“We need to understand na holistic at comprehensive itong modernization program. It does not end in just consolidating or buying new public utility vehicles or units,” paliwanag ni Lee. (Ara Romero)
-
Ads January 25, 2023
-
5 hanggang 8 milyong Covid-19 vaccines darating ngayong linggo-Galvez
INAASAHAN ng Pilipinas na makatatanggap ito ng lima hanggang walong milyong doses ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa ika-apat at huling linggo ng buwan ng Agosto. Ito ang naging pagtataya ni vaccine czar at chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 Sec. Carlito Galvez Jr. Ani Galvez, inaasahan niyang […]
-
Bagong Pilipinas Bill ilalarga sa Kamara
ILALARGA sa Kamara ang Bagong Pilipinas Bill na layong mapalawak ang pagtulong sa mga nangangailangang Pilipino sa pamamagitan ng pagtatayo sa bawat lalawigan at siyudad sa bansa ng Serbisyo at Tulong Center sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Layon ng panukala na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga […]