• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Local deaths sa Pinas dahil sa respiratory disease mas mababa kumpara sa ibang bansa-PDu30

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mas mababa ang local deaths ng Pilipinas dahil sa respiratory disease kumpara sa ibang bansa.

 

Ito’y sa kabila ng naitalang bagong record ng COVID-19 cases ng Pilipinas.

 

“Hirap ang America ngayon. Ang Europe is suffering from a—maraming mas namatay; Turkey, marami ang patay; Saudi Arabia, mas marami ang patay,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped national address.

 

“Ito, atin, hawa lang. Ang patay natin, hindi masyado ganoon karami,” aniya pa rin.

 

Tinatayang may 33,333 katao na sa Pilipinas ang sumuko sa COVID-19.

 

Kinumpirma naman ng Pilipinas ang “highest ever single-day tally” ng bagong kaso na pumalo sa 22,366, na tumaas sa kabuuang confirmed infections na 1.97 million.

 

Batid naman ni Pangulong Duterte ang pangangailangan na “recalibrate our response” kung ang pagtaas ng COVID-19 cases ay bunsod ng “highly infectious variant” ng sakit.

 

“We are also evaluating whether granular or localized lockdowns would work best in our current situation. Kailangan pag-aralan ito ng task force,” anito.

 

Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Duterte ang publiko na manatili sa health standards at magpabakuna laban sa novel coronavirus sa lalong madaling panahon.

 

Nahaharap ngayon ang Duterte administration sa Senate inquiry sa kung paano ginasta ang pandemic funds.

 

“The country had “nothing” in supplies when the pandemic erupted” ayon sa Pangulo.

 

“The same people criticizing today are the same people telling us last year that we were too slow and we’re not prepared,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Sino bang prepared, preparado nito? America? Name a country that is prepared, mag-resign ako.” (Daris Jose)

Other News
  • 9 KATAO, TINUTUGIS SA PAGPATAY SA ESTUDYANTE

    TINUTUGIS ng Manila Police District (MPD) ang grupo ng siyam na kalalakihan na umano’y responsible sa pagkamatay ng isang 20-anyos na estudyante sa isang Restobar Biyernes ng madaling araw noong October 20.     Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa grupo ng kalalakihan na suspek na pagpatay kay   Randall Bonifacio Y Rillion ng 3192 Int 22, […]

  • Direk DARRYL, pansin na mas maraming naging curious na panoorin ang pelikula niya habang bina-bash

    SA opinion ni Direk Daryl Yap, mas lalong nagiging curious ang mga tao na panoorin ang mga pelikulang ginagawa niya dahil sa mga bashing na kanyang natatanggap.     “When people say something about my film, whether negative or positive, ‘yun ang napapag-usapan,” pahayag nang kontrobersiyal na director ng Tililing at Gusto Kong Maging Porn Star.     May magandang […]

  • Ads January 4, 2022