Lockdown sa Metro Manila
- Published on March 11, 2020
- by @peoplesbalita
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa bawat araw na lumilipas. Kaya may humihirit na rin na pansamantalang magpatupad ng lockdown sa buong Metro Manila kung saan naitala ang karamihan sa mga nagpositibo.
Nangangahulugan ito na isasara muna ang mga paliparan para sa domestic flights, South Luzon Expressway (SLEX), North Luzon Expressway (NLEX) at mga railway para hindi na kumalat pa sa ibang probinsiya ang COVID-19.
Pahihintulutan naman ang pagbiyahe ng mga pagkain at gamot. Bagama’t, tinatayang nasa P100 bilyon ang posibleng mawala sa ekonomiya ng bansa, aabot naman daw sa P218.5 bilyon ang mawawala ‘pag kumalat pa ang COVID-19.
Sa ganitong usapin, sino ba ang ayaw mapigilan ang paglaganap ng virus? Pero, ang pakiusap din natin sa gobyerno ay masiguro na ‘ika nga, tuloy pa rin ang buhay, may pagkakataon pa rin para masuportahan ang ating pang-araw-araw na pangangailangan.
Samantala, umaapela naman tayo sa Department of Health (DOH) na maging aktibo at malinaw sa pag-uulat ng kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa. Ito ay upang maiwasan ang pagkataranta ng publiko tulad ng mga nauna nating pakiusap. Makatutulong kung isang tao o ahensiya na lang ang panggagalingan ng impormasyon.
Higit sa lahat, maging transparent sana ang gobyerno sa tunay na sitwasyon. Kung may kailangan o kakulangan, sabihin agad upang magawan ng paraan.
Ang COVID-19 ay hindi lang problema ng DOH o ng administrasyon, ito ay hinaharap nating lahat pati na ng buong mundo. Ang dasal, pagkakaisa at pagtutulungan ang pinakamabisang panlaban.
-
DepEd, tinitingnan ang ‘flexi’ implementation ng Matatag Curriculum
PINAG-AARALAN ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na ipatupad ang Matatag Curriculum ng ‘more flexibly’ habang tinutugunan ang learning gap ng bansa. Nilinaw ni Education Secretary Juan Edgardo Angara na mananatili ang Matatag Curriculum sa kabila ng dumagsang panawagan na alisin na ito. “However, the agency […]
-
Ads November 23, 2022
-
Grab rider, 3 pa timbog sa Malabon, Valenzuela buy bust
MAHIGIT P.1milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 39-anyos na Grab rider na naaresto sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, alas-4:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station […]