Lola na ‘tulak’, 1 pa kulong sa P210K droga sa Caloocan
- Published on April 30, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam ng pulisya sa dalawang drug suspects, kabilang ang 62-anyos na lola matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Emey’, 62 ng Morong Rizal at alyas “Saya”, 20 ng Malabon City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nagsagawa ang mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Tangke Road, Brgy. 157 kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,500 halaga ng droga.
Nang tanggapin ng mga suspek ang isang P500 bill marked money na may kasamang anim na P6,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang dinakip ng mga operatiba dakong alas-10:08 ng gabi.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 31grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P210,800.00, buy bust money at itim na coin purse.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
2nd gold nasungkit ni Carlos Yulo
Tinapos ni Carlos Yulo ang double-gold campaign sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan, sa paghahari niya sa vault final kahapon. Si Yulo, sariwa pa sa isang panalo sa parallel bars final noong Sabado, ay pinatamis ang kanyang paghatak sa nakakumbinsi na panalo sa vault matapos tumapos lamang sa ikatlong bahagi […]
-
CBCP president Virgilio David kabilang na itinalaga ni Pope Francis bilang bagong Cardinal
KABILANG si Kalookan Bishop at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president Virgilio David sa 21 napili ni Pope Francis na maging bagong cardinals ng Simbahang Katolika. Isinagawa ng Santo Papa ang anunsiyo sa kanyang misa sa Vatican. Isasagawa ang installation ng bagong talagang cardinals o tinatawag na consistory sa darating na […]
-
Publiko hindi dapat makampante sa Alert Level 1 status ng MM – PMA
PINAYUHAN ng pamunuan ng Philippine Medical Association (PMA) ang publiko na hindi dapat makampante ngayong nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila Ayon kay PMA President Dr. Benito Atienza, dapat pa ring sumunod sa minimum public health protocol ang publiko ngayong 100 percent na ang operasyon ng mas maraming establisimyento, kung saan […]