• December 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lolo isinelda sa pangmomolestiya sa dalaginding sa Valenzuela

HIMAS-REHAS ang 82-anyos na biyudo matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa 13-anyos na batang babae na miyembro ng pamilyang nag-alaga at nagpapakain sa kanya sa Valenzuela City.

 

 

Agad iniutos ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang pagsasampa ng kasong rape through sexual assault na may kaugnayan sa R.A. 11648 o ang Act Providing for Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse, Increasing the Age for Determining the Commission of Statutory Rape sa biyudo.

 

 

Ayon kay Col. Destura, nagso-solo na sa buhay at walang mga kaanak ang suspek at dahil malapit siyang kaibigan ng pamilya ng biktima, sila na ang nangalaga at nagbibigay ng pagkain sa matanda.

 

 

Nitong araw ng Sabado, dinalhan ng pagkain ng biktima ang suspek subalit, bago makaalis ang bata ay pinapasok siya sa loob ng bahay ng matanda dahil may ibibigay umano sa kanya para naman sa kanyang pamilya.

 

 

Gayunman, nang nasa loob na ng bahay ang bata, sinimulan na siyang molestiyahin at paghihipuan sa maselang parte ng katawan ng matanda habang binubulungan ng mga malalaswang salita.

 

 

Sa kabila ng nadaramang takot, hindi pinanghinaan ng loob ang bata at nagpumiglas ito hanggang sa magawang makatakbo palabas ng bahay at agad na nagsumbong sa kanyang pamilya.

 

 

Kaagad namang humingi ng tulong ang pamilya ng biktima sa Valenzuela police na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • DepED, ipinag-utos sa mga eskuwelahan na magsagawa ng mandatory unannounced earthquake, fire drills

    IPINAG-UTOS ng Department of Education (DepED) sa lahat ng  public schools na magsagawa ng “unannounced earthquake at fire drills” para makatulong na pataasin ang kamalayan ng mga mag-aral at personnel ukol sa kung ano ang dapat gawin kapag may nangyaring natural calamities.     Nilagdaan ni  Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte, ang […]

  • Chinese coach gagawing consultant ni Diaz

    Kung hindi makukum­binsi ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz si Gao Kaiwen na bumalik bilang head coach ay kukunin na lamang niya ang Chinese bilang consultant.     Sinabi ni Diaz kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast na planado na ang lahat sakaling piliin ng 64-anyos na si Gao ang kanyang pamilya […]

  • 18-anyos na chess player sa India itinuturing na pinakabatang chess world champion

    Tinanghal bilang pinakabatang chess world champion ang 18-anyos na si Gukesh Dommaraju mula India.     Ito ay matapos na talunin nito si Ding Liren 7.5-6.5 sa best of 14 final na ginanap sa Singapore.     Sa huling laro ay nagtabla pa sina Gukesh at ang defending champion na si Ding hanggang isinagawa ang […]