• April 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LOOKOUT BULLETIN, INISIYU KAY MICHAEL YANG AT 8 IBA PA

INILAGAY ng Bureau of Immigration (BI) sa lookout bulletin si dating presidential adviser on economic affairs Michael Yang.

 

 

Si Michael Yang, o kilalang Yang Hong Ming, ay kabilang sa iniimbestigahan ngayon sa Senado dahil sa maanomalyang pagbili ng mga health supplies nitong pandemic.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente  na ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO)ay inisyu kasunod ng kautusan mula sa Department of Justice (DOJ) sa kahilingan ni Senate blue ribbon committee Chairman  Senator Richard Gordon.

 

 

“This matter is of national interest. We have made the proper arrangements, and our immigration officers are now on the lookout for the possible departure of the suspect personalities,” ayon kay Morente.

 

 

Matatandaan na nauna nang naisyuhan ng ILBO si Atty. Lloyd Christopher Lao, Hepe ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) dahil sa kautusan ng DOJ na may petsang September 7.

 

 

Bukod sa dalawa, inilagay din sa lookout bulletin sina Overall Deputy Ombudsman Atty. Warren Rex Liong at Pharmally Pharmaceutical Corp.’s executives Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizle Grace Mago, Justine Garado, Linconn Ong, at Mohit Dargani.

 

 

Pero klinaro ni Morente na ang ILBO ay monitoring lang sa kanilang galaw na posibleng lumabas sila ng bansa.

 

 

“An ILBO is issued for prudence to double check if there are any pending arrest warrants against the subjects, or monitor their itineraries and whereabouts, should they attempt to leave the country’ ayon kay Morente. GENE ADSUARA 

Other News
  • Sagot niya, “Should I remove mine? Labo mo tol”: HEART, pumatol na naman sa basher na pumansin sa ‘boobs’ niya

    NI-RETWEET ni Heart Evangelista ang pinost ng GMA News tungkol sa painting collaboration nila ng Incubus frontman na si Brandon Boyd.     Kahit marami ang natuwa at nag-congratulate sa Kapuso actress at fashion icon, meron at meron pa ring papansin at walang magawang maganda na basher.     Sa photo nina Heart at Brandon […]

  • OIL SPILL, PINAGHAHANDAAN NA NG PCG

    PINAGHAHANDAAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa contingency measures matapos makakita ang Coast Guard Sub-Station Tubbataha ng oil sheen malapit sa baybayin kung saan lumubog ang  dive yacht noong Linggo ng umaga, Abril 30.     Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na patuloy ang monitoring sa sitwasyon sa lugar kung […]

  • Malakanyang, paiigtingin ang seguridad matapos arestuhin ang mga Chinese spy

    NAKATAKDANG paigtingin ng Malakanyang ang mga pamamaraan at puwersa kasunod ng pagkakadakip sa mga Chinese spy na sangkot sa surveillance activities kung saan target ang presidential palace, military, at mga pulis. Inilarawan ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang pag-aresto bilang “alarming,” binigyang-diin ang pangangailangan na paigtingin ang pagsisikap para tugunan ang […]