Lookout bulletin order vs 7 OVP officials, hiling
- Published on November 5, 2024
- by @peoplesbalita
HINILING ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng lookout bulletin order laban sa pitong opisyal mula sa Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa imbestugasyon nito ukol sa alegasyon ng mismanagement ng government funds sa ilalim ni Vice President Sara Duterte.
Ang kahilingan ay ginawa ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng komite kasunod nang pagpapalabas ng subpoenas para padaluhin ang mga naturang opisyal sa pagdinig kasunod na rin sa ilang beses na hindi pagdalo ng mga ito.
Kabilang sa mga pinangalanang opisyal sa kahilingan ay sina OVP chief of staff Zuleika Lopez; assistant chief of staff and Bids and Awards Committee chair Lemuel Ortonio; Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez; Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta; at chief accountant Juleita Villadelrey.
Pinatawag din sina dating Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda at Special Disbursing Officer (SDO) Edward Fajarda, kapwa nasa OVP.
Ang mag-asawang Fajarda ay pawang close aides kay Vice President Duterte habang nagsisilbi itong kalihim ng DepEd mula July 2022 hanggang sa kanyang pagbibitiw nitong July 2024.
Sa kanyng liham kamakailan kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, sinabi ni Chua na ang mga testimonya ng mga naturang opisyal ay importante sa imbestigasyon at masiguro ang accountability ng public funds.
Ayon kay Chua, nakatanggap ang kanyang panel ng impormasyon na naghahanda umano ang mga naturang personalidad na umalis ng bansa.
“Considering these developments, I earnestly request your office to issue a Lookout Bulletin Order against these personalities. This action is imperative to monitor their movements and prevent any potential attempt to flee the country, which could significantly hinder our investigation and broader efforts to uphold the integrity of public service,” ani Chua.
Ang imbestigasyon ng komite ay kasunod na rin sa naging privilege speech ni Manila Rep. Rolando Valeriano, na nag-akusa kay Duterte ng fund mismanagement sa OVP base sa naging findings ng Commission on Audit (COA).
Simula nang umpisahan ang pagdinig ng komite, wala ni isa sa pitong opisyal ng OVP ang dumalo sa hearings. (Vina de Guzman)
-
Higit 1K bilanggo sa Manila City Jail may TB
INIULAT ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mahigit 1,000 bilanggo sa Manila City Jail ang dinapuan ng pulmonary tuberculosis. Tiniyak naman ni BJMP National Capital Region (NCR) spokesperson Midzfar Omar na ang mga naturang preso ay kasalukuyan nang naka-isolate at nilalapatan ng lunas. Mayroon pa umanong nasa 200 […]
-
Ama, kinasuhan ng Human Trafficking ng NBI
SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong human trafficking ang isang ama matapos itong arestuhin sa aktong pagbebenta ng kanyang 11-buwang sanggol sa halagang P55,000. Kinasuhan sa Quezon City Prosecutor’s Office si Kenneth Crisologo na naaresto noong Setyembre 3 sa isinagawang entrapment operation ng mga ahente ng Special Task Force (NBI-STF) […]
-
Handa na ang detention center na tutuluyan ni Pastor Apollo Quiboloy sa House of Representative
IPINAKITA sa media ni House Secretary General Reginald Velasco ang detention center sa Kamara kung saan ‘ikinukulong’ ang mga personalidad na na-cite for contempt. Dito aniya, idedetine si Quiboloy sa sandaling maaresto ito. Una nang nagbotohan ang House committee on legislative franchises para i-cite for contempt si Quiboloy matapos na hindi dumalo sa […]