• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lorna, nag-guest sa filmfest movie nila noon ni Niño: JANICE, muling nakasama si JUDY ANN sa ‘Espantaho’ pero konti lang ang eksena

HULING nagkasama sina Judy Ann Santos at Janice de Belen sa “Mga Mumunting Lihim” na naging entry sa Cinemalaya Film Festival 2012.

 

 

Ang indie film ay dinirek ni Jose Javier Reyes, na kung saan kasama rin nila sina Iza Calzado, at Agot Isidro.

 

 

Tanda pa ni Janice na ang ensemble cast ay binigyan ng unprecedented accolade as Best Actress and Supporting Actress sa Cinemalaya awards, kaya sobrang memorable ‘yun sa kanila.

 

At ngayong magkasama uli sila sa “Espantaho”, na kuwento ng pag-ibig, pangangaliwa, at misteryo.

 

Kuwento ni Janice tungkol kay Juday, “walang namang difference, actually in both films, hindi ko siya madalas nakasama sa eksena.

 

“Dito sa ‘Espantaho’, konti lang din, kaya wala pa talaga akong work with Juday na matagal ko siyang nakasama, Kahit sa series wala pa rin.”

 

Natanong din si Janice tungkol kina Lorna Tolentino at Chanda Romero, na talagang nakipagtagisan din ng galing sa pag-arte.

 

“Bata pa ako nang naka-work ko si LT, sa pelikulang ’Tropang Bulilit’ (1981), nag-cameo lang siya, kasama kami sa movie ni Niño Muhlach.

 

“Si Tita Chanda naman, ilang beses na, sa halos lahat ng Danny Zialcita movie, kasama ko siya.”

 

Ang “Tropang Bulilit” ay naging entry ng D’Wonder Films sa 1981 MMFF, kasama nina Janice at Niño sina Sheryl Cruz, Andrea Bautista at introducing si Lea Salonga.

 

Samantala, kabilang din sa “Espantaho” sina JC Santos, Mon Confiado, Nico Antonio, Donna Cariaga, Tommy Abuel, Archie Adamos, Eugene Domingo, at ang award-winning child actor na si Kian Co.

 

Produced ito ng Quantum Films, Purple Bunny Productions at Cineko Productions na mapapanood na simula sa December 25.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PSC sumaklolo sa mga atletang biktima ng bagyo

    Naghahanda na ang Philippine Sports Commission (PSC) upang i-release ang financial assistance sa mga miyembro ng national team na nasalanta ng sunod-sunod na bagyo. Nakipag-usap na ang PSC sa national sports associations (NSAs) upang malaman kung sino-sinong mga atleta ang naapektuhan ng nakaraang mga kalamidad. Ayon sa ulat, tumanggap ang ahensya ng mga ulat na […]

  • Gobyerno, ipinagkaloob ang house and lot sa limang masuwerteng benepisaryo

    DREAM COME TRUE para sa limang benepisaryo ng government assistance matapos na mabunot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang pangalan sa  raffle para sa house and lot packages sa idinaos na 121st Labor Day celebration sa SMX Convention Center sa  Pasay City, araw ng Linggo.  Nabunot ng Pangulo ang pangalan nina  Cipriano Basalio, Ana […]

  • Pangako ni PBBM, susuportahan ang PCG modernization

    SUSUPORTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak at modernisasyon ng  Philippine Coast Guard’s (PCG).     Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng  ika- 121  founding anniversary ng PCG sa  Port Area, Manila.     Hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo na maraming mga bagong gampanin ang mga miyembro ng coast […]