• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LOUISE, nagtiwala sa direktor kaya napapayag sa love scene nila ni DIEGO

NAGPA-BOOSTER shot na rin si Bea Alonzo at pinost niya ang photo sa kanyang IG account at mayroon din siyang ni-reveal.

 

 

Caption ni Kapuso actress, “Got boosted last night!

 

“The start of this year was challenging. I caught covid early January (just like most people because of the covid surge), And at that time, I was also struggling with the worst muscle spasm, all while getting ready for my dream shoot. A brand endorsement I never thought would happen. (ticked off that box ✅)”

 

Say pa ni Bea sa kanyang naranasan, “It was a challenging moment, I got most of the symptoms, and I was having a hard time breathing, but I survived!

 

“Posting this to encourage you to get the booster if you haven’t already. Let’s help end this pandemic.”

 

 

Marami naman ang nagulat sa kanyang rebelasyon na nagka-COVID din at naka-survive din siya, kaya agad nakabalik sa kanyang mga trabaho.

 

 

Comment naman ng netizens:

 

“Kahit kompleto ka pa sa vaccine at booster kung di ka naman nag iingat. waley pa rin.”

 

“Don’t be so judgmental, people have to go to work. And not just talking about Bea.”

 

“At kht fully vaccinated at nag iingat ka, kung tatamaan ka, tatamaan kpa din..”

 

“Hindi naman porke tinamaan ng covid ay hindi na nag-iingat. 2022 na di niyo pa rin gets kung para saan ang vaccine. nung binakunahan ba kayo sa measles at chickenpox hindi na kayo nagkaroon?”

 

“Di nyo pa ba ma-gets? Kung naka-booster ka at tinamaan ka ng covid ay pwedeng hindi severe.”

 

“Higher chances na di mategibelles ang tao kung may vaccines.
“Lower chances na magmutate ang virus sa highly vaxxed population.
“Fewer lockdowns. Less people in hospitals and ICUs.
“Di ba better yan kesa sa wala?”

 

“Bakuna is to protect us sa severe infection. Better to have one than none.”

 

“Got covid with only 1 symptom. A very mild cough. Un lang kahit unvaccinated ako. It means depende pa rin sa immune system ng katawan, hindi sa vaccine.”

 

“Yes depende pa rin sa immune system ng katawan mo, pero isipin mo rin ang ibang tao na pwede mo mahawaan kung naging carrier ka at hindi kasing lakas ng immune system mo. Malasakit sa kapwa tawag dun.”

 

“Wag ka, maraming nategi na health buffs dahil sa mentalidad na yan. Look them up!”

 

“OMG! Parang hindi namin namalayang na-COVID ka pala, girl…KAKATAKOT!”

 

Kaya tama si Bea sa pag-i-encourage na magpabakuna at magpa-booster shot, para makatulong tayo sa pagtatapos ng pandemya.

 

 

***

 

 

NABIGYAN uli ng pagkakataon ang versatile actress na si Louise delos Reyes na maging bida sa latest Vivamax Original movie na The Wife, na mula sa premyadong direktor na si Denise O’Hara.

 

 

Kasama niya sa adult drama film si Diego Loyzaga bilang Cris at ang breakthrough star na si Cara Gonzales na gaganap na ex-girlfriend na si Lee at makakahati niya sa pagmamahal ng asawa.

 

 

Aminado si Louise na nagustuhan niya ang karakter niya bilang Mara sa The Wife kaya niya ito tinanggap ang gumawa ng daring love scene kasama si Diego.

 

 

Paliwanag ng aktres, “laking leap sa akin or step na napapayag ako na gawin ang eksena.

 

 

“Naniniwala kasi ako na nasa story pa rin ‘yan, sa director at D.O.P.. Yun nag-iilaw sa ‘yo, kung paano magiging tasteful ang isang eksena, tulad ng mga intimate scenes.

 

 

“Pinagkakatiwala ko na lang talaga sa mga tao sa likod ng kamera, kung paano nila ako aalagaan.

 

 

“Siyempre, I’m very thankful kay Direk Denise, kasi inalagaan talaga niya ako sa eksena namin ni Diego.”

 

 

Sabi pa niya kahit naitawid naman niya ang eksena dahil babae nga ang direktor nila, “But I don’t think, in the future mas marami pa akong gagawin na ganun.”

 

 

Sa virtual mediacon, natanong din si Louise na sa matagal-tagal na rin sa showbiz, kung ano pa ang pinapangarap na magkaroon at role na magampanan.

 

 

Sagot niya, “ang sarap isipin kung magkaroon ka ng Best Actress trophy, o supporting actress, kahit ano pang acting award ‘yan. Parang ‘yun na lang siguro ang dream ko na magkaroon.

 

 

“Saka siguro yun role na hindi ko na nagagawa, like ‘yun may pagka-psycho. Na hindi ko rin alam kung kaya kong ma-justify ang ganung kabigat na role.”

 

 

Anyway, sa The Wife, masisira ang pagsasama ng mag-asawa nang mangaliwa si Cris dahil may nangyari sa dating kasintahan.

 

 

At habang inaayos ang kanilang relasyon, matutuklasan na may cancer ang kanyang asawa, makakasama nilang nanirahan sa isang bahay ang ex-girlfriend ng asawa.

 

 

Hanggang saan dapat ipaglaban ang pagsasama ng mag-asawa sa kabila ng pagtataksil?  Paano rin tatanggapin ng asawa ang huling kahilingan ng may kaugnayan sa naging kalaguyo ng kanyang mister?

 

 

Saksihan ang kasagutan sa The Wife na exclusive na mapapanood sa Vivamax ngayong February 11 sa available sa iba’t-ibang panig ng mundo.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • STATE ASSETS, sapat para makatulong sa LGUs na hinagupit ni Marce

    TINIYAK ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na sapat ang national government assets para suportahan ang mga manggagawa at logistics ng local government units (LGUs) na apektado ng bagyong Marce.   Sa press briefing sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni NDRRMC Undersecretary Ariel Nepomuceno na dineploy na ang dedicated teams sa Regions I, […]

  • Steven Spielberg Explains Why The Lost World: Jurassic Park Wasn’t A Hit

    STEVEN Spielberg talks about why The Lost World: Jurassic Park didn’t work, citing his own overconfidence.     Fresh from his critical success of West Side Story, Spielberg’s legacy as one of Hollywood’s most successful directors speaks for itself through his many classics such as Jaws, E.T., Raiders of the Lost Ark, Schindler’s List, Saving Private Ryan, and Jurassic Park.     […]

  • Standhardinger magreretiro na sa paglalaro sa PBA

    Ikinagulat ng koponang Terrafirma Dyip ang ginawang anunsiyo ni Filipino-German player Christian Standhardinger.     Sinabi ni Dyip team governor Bobby Rosales, na ipinagpaalam ng 6-foot-8 sa kanila na ikinabigla nila.     Ang nasabing anunsiyo ay matapos ang pagsisimula ng PBA Commissioners Cup kung saan tinalo sila ng Converge 116-87.     Umabot lamang […]