• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Love the Philippines’ slogan mananatili – DOT

SA KABILA ng mga pagbatikos sa ginawang promotional video, pananatilihin pa rin ng Department of Tou­rism (DOT) ang bagong slogan na ‘Love the Philippines’.

 

 

Kinumpirma ni Tourism Secretary Christina Frasco sa isang ambush interview sa 2022 Philippine Tourism Satellite Accounts and Tourism Statistics Dissemination Forum, nang tanungin kung patuloy na gagamitin ng DOT ang tourism slogan na inilunsad lamang noong noong Hunyo 27.

 

 

“I think that is evident,” maikling sagot niya sa press.

 

 

Paulit-ulit ding binanggit ni Frasco ang ‘’Love the Philippines’’ sa kanyang talumpati, at ipinakita rin ang slogan logo sa entablado ng kaganapan.

 

 

Ang DDB Philippines, ang ahensyang kinontrata para sa paglulunsad ng kampanya ay nagsabing mayroong isang “unfortunate oversight” hinggil sa pagsasama ng hindi orihinal na stock footage.

 

 

Nag-ugat ang kontrobersiya sa pagpuna ng blogger na si Sass Sasot na hindi bababa sa 5 eksena sa promotional video na dapat ay nagpo-promote ng mg panturistang destinasyon sa Pilipinas, ay hinaluan ng mga kuha ng rice terraces sa Bali, Indonesia, isang mangingisda na naghahagis ng net sa Thailand; isang passenger plane sa Zurich, Switzerland; nagluluksuhang dolphins; at isang nagmamaneho ng sasakyan sa sand dunes sa Dubai, United Arab Emirates.

Other News
  • IATF, inaprubahan ang vaccination certificates ng mas marami pang bansa

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Linggo ang “acceptance and recognition” ng national COVID-19 vaccination certificates ng Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta at Uruguay.     Ito’y naglalayon ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles para sa arrival quarantine protocols, at maging interzonal/intrazonal movement.     Karagdagan aniya […]

  • Taas pasahe sa PUJ tiyak na bago matapos ang taon

    TINIYAK ng Land Transportation Frachising and Regulatory Board (LTFRB) na tataas ang pamasahe sa mga public utility jeepneys (PUJs) bago matapos ang taon.       Ito ay dahil na rin sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo na naitala sa ika-10 linggo na tinawag ng LTFRB na hindi pangkaraniwan.       Ayon […]

  • CHRISTOPHER, magdudugtong sa movie at tv series: All-star cast na ‘Cattleya Killer’ na pagbibidahan ni ARJO, ipinakilala na

    IPINAKILALA na ng ABS-CBN ang all-star cast ng Cattleya Killer, ang pinakabagong international project ng Kapamilya Network na pagbibidahan ng 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor na si Arjo Atayde.     Makakasama ni Arjo sa thriller-drama series na pang-international release sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Jane Oineza, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Ria […]